Monday, April 06, 2009

some random thoughts



tagalized na yung facebook ko pareho na siya ng multiply at language na ginagamit ko ngayon sa fon ko... hahahaha!!! hindi ko naman sinasadya na maging tagalong yung facebook ko... me nakita kasi ako na help facebook to translate in filipino, kinlick ko lang then ayun hindi ko napansin na tagalized na pala yung facebook ko... hahaha




4 days and 3 nights din akong mawawala sa maynila dahil magbabakasyon ako sa baler, aurora... bukas na ang alis namin at overnight namin mamaya sa bahay nila mommy duds para dirediretso na at hindi maiwan ng bus... hahaha!!! 10 hours daw ang biyahe... kaya kamusta naman yun parang narating na namin ang ilocos norte sa layo... X_x

pang-ilang beses ko pa lang mag-punta sa probinsya kasi naman walang probinsya ang pamilya namin kaya eto taong maynila... pangalawang beses ko pa lang magbakasyon ng holy week, nung una sa pampanga and this time aurora!!! sana next time out of the country naman... XD madalas kasi nung bata ako puro recollection... hahahaha!!! ang pathetic ng buhay ko... tsktsktsk

sana mag-enjoy ako dun... XD
eto na naman ako hindi pa ako ulit nakakapag-empake...

Wednesday, April 01, 2009

sari-saring kwento

"Lasing sa Outing"


unang kwento... last march 31, 2009 nag-outing kami (plmar friends) sa blue water resort sa liblib na pook ng montalban... (ang layo at puro bundok na talaga yung lugar, parang nasa sierra madre na kami sa layo) doon kami nagsaya dahil natapos na ulit ang isang sem na puro sakit ng ulo at pahirap...

syempre para muling magsama-sama ang lahat pati na rin dun sa mga magshishift na at ibang titigil na sa pag-aaral...

madaming food, kaya kahit maging patay-gutom ka, ok lang... san
dali lang ako nakalangoy dahil nangati ako sa tubig... hindi naman madumi yung tubig, in fact kakalagay lang ng bagong tubig sa pool nung lumusong ako... ewan ko lang kung bakit... hindi siguro ako sanay sa malinis na tubig ng pool... hahahahaha!!!

kaya ang ginawa ko, nag-inom na lang ng alak kasama nung mga hindi lumalangoy... at dahil mabilis lang yung ikot... hindi ko namalayan na me tama na ko... hangga
ng sa... wala na akong maalala... ang kwento na lang sa akin ay nung ginigising na ako para mag pack-up na, kinalkal ko daw yung bag ng may bag at inayos samantalang yung bag ko ay may nagbitbit na pala... nakakahiya kasi hindi ko maalala yung mga pinaggagawa ko... basta ang sumunod na lang na naalala ko nasa jeep na natutulog, tapos sa bahay ng kaklase ko at umakyat para matulog na... yun lang... hahahahaha!!! sorry dun sa kinalkalan ko ng bag... :D



"I am my Sister's Karma"


kanina lang, nagtext ako ke sanse na sponsoran ang baon ko para sa zambales trip ko bukas sa nstp... awa ng Diyos me pera siya ngayon at nauto ko naman agad... kala ko nung una maximum of P300 worth of goodies lang ang bibigay sa akin... nagulat ako nung nagtext siya na iiwan na lang niya yung P500 pambili ko ng baon...

eh kaso hindi niya iniwan dahil nagpasama siya sa akin sa doctor niya at kelangan me papirmahan... pero dahil wala pa yung doctor, nag-grocery muna kami ng baon ko... P400 lang yung binigay niya, kala ko ginamit na lang pang-parking... nung magkasama na kami sa kotse nakonsensya dahil P500 daw yung pinabibigay nung asawa niya sa akin at baka malasin pa siya pag kinurakot niya yung P100... hahaha!!!

lagi ako ganito kagarapal manghingi ng pera kapag kinakailangan... pag napapanahon lang dahil hindi pa ganun kakapal ang mukha ko lalo na ngayon me sarili na siya pamilya at manganganak pa this summer... pero ok lang yung paminsan-minsan... hehehe kasi nung college din si sanse, malakas din siya mangharbat sa ate namin... kaya ngayon ako naman sa kanya... kaya ako ang kanyang karma... lol...

sabi nila makakarma din daw ako sa mga pamangkin nila... sa akin naman... ok lang kasi pag ako na ang nakadama ng karma ibig sabihin hindi ako gipit sa pera... =)



"NSTP-LTS Destination: Zambales"


bukas na ang trip namin sa zambales para sa graduation namin sa nstp... parang adik lang di ba? kelangan pa talaga sa zambales yung graduation... at tinapat pa sa araw ng enrollment... tsktsktsk... kung hindi lang madami ang absences ko at hindi nila pinangbblockmail yung certificate at class card na ibibigay nila sa zambales... at yung nstp-shirt ko na binayaran ko nung first sem na hindi ko pa rin nakukuha hanggang ngayon, sa zambales din daw ibibigay... nu ba yan!

kanina lang ako bumili ng baon ko na bibitbitin sa zambales... salamat ke sanse (aking kapatid) at babesh (ang kanyang asawa) sa pag-sponsor ng babaunin ko... ^_^

hindi ko pa naayos yung mga damit at kelangan na bibitbitin ko sa zambales... pero me checklist na ako... tinatamad pa nga lang ako hanapin yung mga kelangan ko... hahahahaha!!! at least me progress na ako kahit papaano...

try ko nga muna kung sisipagin na ako mag-ayos ng gamit... :D

Thursday, March 26, 2009

petics.petics.petics

imbes na gumagawa na ako ng avp para sa recognition day ng health care society mamayang 2pm, eto ako gumagawa pa ng blog... first activity namin mamaya in collaboration with the present-past council kasi kami yung future-present council... mamaya pa kasi yung oath-taking namin... hehehe


wala pa kasing napproduce ang utak ko na magandang gawin para sa avp...


umm? hala hindi pa ko sure kung nung oras call time namin sa cesna... di bale hindi naman ako sa stage... wala pa pala akong susuotin... ano kaya masuot? smart casual daw eh...-- stressed na ba ko? i'm already thinking too loud... lmao


it's time to work! work! work! work!

Tuesday, March 24, 2009

iSupport Earth Hour


Please let us support Earth Hour this March 28, 2009. All you need to do is to switch off your lights from 8:30pm-9:30pm. Together we can make a difference.

Let's vote for Earth and not for Global Warming.

"Gian Rei Mangcucang supporting Earth Hour"




Thursday, March 05, 2009

ten things about me

tagged by eman

Rule : List down ten things about you. Nine should be true and one should be bluff.

1. pangarap ko talaga maging architect kaya bumagsak ako sa pagnunursing para makapag-medicine... **isang mahabang kwento**

2. first love ko sa sports ang swimming, marunong din ako mag-taekwondo kaso hanggang yellow lang ako...

3. pangarap ko dati ang maging aktibista... ngayon ay maging mayamang-mayamang doktor na lang... hahaha!!!

4. gusto ko maging photographer...

5. natae ako sa upuan nung grade 3 ako... ulk! hahahaha!!!

6. hindi ako lagi pumapasok ng anatomy and physiology class, madalas lang ako pumasok pag me quiz at long exams...

7. favorite ko ang mythbusters...

8. lagi ako nakikinig sa goodtimes with mo ng magic 89.9...

9. gusto ko pag namatay ako, ike-cremate ako agad... ayaw kong dungawin ako sa isang malaking display window at pagchismisan ang itsura ko sa loob...

10. pininturahan ko ang room ko ng white...

Thursday, February 12, 2009

vandalism is punishable by law

vandalism is punishable by law
by PARACS



yun ang nakasulat sa sign na nakasabit sa bubong sa isang waiting area sa loob ng plmar h. bautista campus, paracs ang org ng criminology sa plmar... andun kami once a week dahil sa biochem lab... hindi ako mabuting estudyante kaya isa ako sa guilty sa kasong vandalism... pero minsan lang yun pag talaga nabuburyo na ako at madalas sa classroom kung saan me armchair na plastic... at dahil puro kahoy ang armchair sa plmar, bihira ko na lang sya magawa... ang sad noh? hehehe madalas ako magvandal nun nung nasa ust pa ako tapos diretso tulog na pag nasandal sa pader... hahahaha!!!

at minsan isang araw ng biochem lab namin, dahil sobrang nababagot na ako sa pag-aantay ng prof namin at wala naman akong ibang makausap napagdiskitahan ko ang mesa sa waiting area! at dahil narealize ko na me sign nga palang ganun, medyo napraning ako habang ginagawa yun pero nagawa ko pa rin tapusin! hahahaha!!!

pagpasensyahan nyo na yung picture, nagpalit na kasi kami ng ate ko ng phone kaya hindi na ganun kaganda ang pictures na makuha ko... wala kasing focus... tsk...

10 Reasons to Date a Nurse

1. They can help you get over a hangover or sickness.


2. Bedbaths!


3. The uniform.


4. They are exposed to so many xrays, it’s like a form of birth control.


5. You will never need to buy condoms, paracetamol, toothbrushes or any hospital supplies.


6. They know how to handle bodily fluids!


7. Nothing shocks a nurse, they have always seen smaller or indeed bigger!


8. They won’t be disgusted by your toilet habits.


9. They are experienced in manual evacuation when you are full of you know what.


10. They know how to handle the human body.



copied from rhein ang