syempre para muling magsama-sama ang lahat pati na rin dun sa mga magshishift na at ibang titigil na sa pag-aaral...
madaming food, kaya kahit maging patay-gutom ka, ok lang... sandali lang ako nakalangoy dahil nangati ako sa tubig... hindi naman madumi yung tubig, in fact kakalagay lang ng bagong tubig sa pool nung lumusong ako... ewan ko lang kung bakit... hindi siguro ako sanay sa malinis na tubig ng pool... hahahahaha!!!
kaya ang ginawa ko, nag-inom na lang ng alak kasama nung mga hindi lumalangoy... at dahil mabilis lang yung ikot... hindi ko namalayan na me tama na ko... hanggang sa... wala na akong maalala... ang kwento na lang sa akin ay nung ginigising na ako para mag pack-up na, kinalkal ko daw yung bag ng may bag at inayos samantalang yung bag ko ay may nagbitbit na pala... nakakahiya kasi hindi ko maalala yung mga pinaggagawa ko... basta ang sumunod na lang na naalala ko nasa jeep na natutulog, tapos sa bahay ng kaklase ko at umakyat para matulog na... yun lang... hahahahaha!!! sorry dun sa kinalkalan ko ng bag... :D
"I am my Sister's Karma"
eh kaso hindi niya iniwan dahil nagpasama siya sa akin sa doctor niya at kelangan me papirmahan... pero dahil wala pa yung doctor, nag-grocery muna kami ng baon ko... P400 lang yung binigay niya, kala ko ginamit na lang pang-parking... nung magkasama na kami sa kotse nakonsensya dahil P500 daw yung pinabibigay nung asawa niya sa akin at baka malasin pa siya pag kinurakot niya yung P100... hahaha!!!
lagi ako ganito kagarapal manghingi ng pera kapag kinakailangan... pag napapanahon lang dahil hindi pa ganun kakapal ang mukha ko lalo na ngayon me sarili na siya pamilya at manganganak pa this summer... pero ok lang yung paminsan-minsan... hehehe kasi nung college din si sanse, malakas din siya mangharbat sa ate namin... kaya ngayon ako naman sa kanya... kaya ako ang kanyang karma... lol...
sabi nila makakarma din daw ako sa mga pamangkin nila... sa akin naman... ok lang kasi pag ako na ang nakadama ng karma ibig sabihin hindi ako gipit sa pera... =)
"NSTP-LTS Destination: Zambales"
bukas na ang trip namin sa zambales para sa graduation namin sa nstp... parang adik lang di ba? kelangan pa talaga sa zambales yung graduation... at tinapat pa sa araw ng enrollment... tsktsktsk... kung hindi lang madami ang absences ko at hindi nila pinangbblockmail yung certificate at class card na ibibigay nila sa zambales... at yung nstp-shirt ko na binayaran ko nung first sem na hindi ko pa rin nakukuha hanggang ngayon, sa zambales din daw ibibigay... nu ba yan!kanina lang ako bumili ng baon ko na bibitbitin sa zambales... salamat ke sanse (aking kapatid) at babesh (ang kanyang asawa) sa pag-sponsor ng babaunin ko... ^_^
hindi ko pa naayos yung mga damit at kelangan na bibitbitin ko sa zambales... pero me checklist na ako... tinatamad pa nga lang ako hanapin yung mga kelangan ko... hahahahaha!!! at least me progress na ako kahit papaano...
try ko nga muna kung sisipagin na ako mag-ayos ng gamit... :D

No comments:
Post a Comment