Wednesday, April 30, 2008

marketing strategy

nakita ko yung mga poster paints na ginamit ko panggawa ng poster para sa talk found on my previous blog... so ayun pagkakita ko sa kanila parang gusto kong gumawa ng kahit na ano na pagkakaabalahan ko, dahil mukhang nakakatuwang paglaruan yung mga kulay...

syempre hindi naman na ako katulad nung bata ako na kapag nakakita ng art material ay kung saan-saan na lang nagdodrawing, actually hindi na nga nabura sa mga pader namin yung mga master piece ko... hahaha! (mailagay nga sa blog yung mga mural ko)

buti na lang me mga poster yung kapatid ko na ginagamit niyang promotional materials na pwedeng kong pagdeskitahang pagdrawingan (kundi, kawawa naman yung dingding namin, hahaha!) ang problema ko na lang ay kung ano ang pwede kong gawin na may kabuluhan sa buhay... nang bigla kong naalala yung walang kwentang poster ko ng aking business! kaya naisip ko na palitan ang aking karatula at iyan ang finish product... sa tingin ko kasi malaki rin ang epekto ng karatula sa dami ng bumibili sa akin, at sa tingin ko tama ako dahil madaming bumili kanina kumpara dun sa lumang karatula ko, feeling siguro nila basura yung tinda ko kasi basura yung karatula... wahahaha!

**nakakatamad ang summer, sobrang init na wala pang magawa... haiz...

No comments: