it's been ages since the last time i posted a blog... eh kasi naman tinatamad ako dahil wala akong maisip na magandang i-post at kung meron man wala naman sa mood...at last meron na ako at least bago matapos ang sem break... medyo naging busy din ako sa paggawa ng wedding invitation at photography. (kunwari).. hehehe...
**ang pangit ng picture sa lisensya... parang pwede ka pa magwacky kasi wala naman pakealam sa itsura mo yung tao sa lto... hahahahaha!!!
so eto na yung totoong blog ko -- matagal na ako nagsimula mag-aral mag-drive (nung nasa ust pa ako) and since hindi ako nakakuha ng student driver's license natigil ako dahil mahirap na pag nahuli kami... i waited so long na matuloy ang pagddriving lessons ko kaso hindi nagsasabay ang time and money para kumuha ng lisensya kaya natengga ako siguro almost 1 year na rin...
this sem break lang ako nakakuha ng student's license kasi kelangan ko na talaga matuto magdrive... at ang sumunod na prob naman ay availability ng kotse at nung magtuturo sa akin magdrive kaya medyo napahaba ulit ang aking pag-aantay...
until kanina dumating yung perfect moment para makapag-aral ako magdrive ulit... at dahil matagal na nung huli kong hawak sa manibela... medyo kinabahan ako ulit dahil feeling ko sira na pulso ko sa pagddrive... awa naman ng Diyos buhay pa naman yung kapatid ko na nagturo sa akin magdrive... hahahaha!!!
mabilis naman ako nakarecover at ok na ulit sa pagddrive kaya pinag-hanging na ako... first time ko mag lesson sa hanging kaya nung una talaga ilang beses ako namamatayan pero nakuha ko rin... ^_^ ang sarap ng feeling! fullfilment ko para sa sarili ko... hehehe
paulit-ulit lang tapos next level sa mas matarik... buti na lang ok na kahit medyo namamatayan hindi naman dumederetso pababa... hehehe :D
sana makapag non-pro ako before ang wedding ng sister ko sa december... ^_^ pero tinatamad naman ako pumunta sa lto qc/san juan para sa drive test... tsk... pagpa-fixer kaya ako? hehehehe

