eew eew (lalaking pusa) ang name ng pusa namin dahil nung maliit pa lang sya, sobrang kadiri dahil sa liit niya… parang pag natapakan mo dead agad…
parang normal lang siya nung lumalaki siya kaya binaliwala lang namin ang behavior na pinapakita niya… pero unti-unti kaming nawiwierduhan sa kanya, hindi siya kumakain ng daga pero pinaglalaruan ito hanggang matigok… hindi rin siya kumakain ng hilaw na pagkain, akala naming maselan lang dahil gusto niya lang ng luto…
hanggang sa maging ganap na pusa na eew eew at aktibo na ang pheromones (hormones na gumagana sa hayop para makipagsex at magparami sila) niya pero hindi sa kapwa pusa niya binubuhos ang libog niya sa katawan kundi sa mga stuffed toys! specifically yung aso na stuffed toy… at yun ang hinahump niya na parang manyak na aso! parang virgin pa rin nga yung pusang yun hanggang ngayon, parang more than 2 years na siya na sa amin…
at bukod pa dun, hanggang ngayon na malaki na siya hindi pa rin siya tumitigil sa panghaharot… yung tipong pag dumaan yung binti mo sa harap niya bigla na lang niya dadakmain at kakagatin, magugulat ka na lang kasi bumaon na sa balat mo yung ngipin niya at maihahagis na lang siya… pwede ring braso depende kung anong extendable body part mo ang gusto mong ilapit sa kanya at sya naming hindi niya palalagpasin at kakagatin…
mahilig siya mang ampon at dumabarkads sa mga pusa na sila namang pinapakain dito sa loob ng bahay at mga lalaking pusa pa! kapal din ng mukha, hindi na nga nagttrabaho nagdadagdag pa ng papakainin… tsk!
me pagkatanga din ang pusang to, dahil kanina lang hinagisan ng kapatid ko ng fishball tong si eew eew at siya namang tinapik lang at pinagulong… ayun nilagyan lang ng lupa yung fishball at hindi na kinain…
at ang best part kung bakit ko natawag na retarded yung pusa naming dahil kahapon lang habang kumakain siya, yung pusang inampon niya nagtangkang makikain sa pagkain niya at dahil mukhang kulang para sa kanya yung pagkain niya hindi niya natiis na magalit at habulin yung ampon niya paakyat sa kisame… ginamit nilang tungtungan paakyat ng kisame yung frame ng parang cabinet at gawa lang sa manipis na bakal…
at pagdating ni eew eew sa taas, nawala nang bigla yung ampon niya dahil expert na sa pagtakas dahil madalas na naming yung hinahabol para itaboy… at nung pababa na si eew eew, nadulas siya at napakapit sa frame para hindi mahulog at nung nakaakyat na ulit nakita naming siya na nanginginig na at hindi makababa… pinanood lang namin siya mag-struggle sa pagbaba habang nanginginig… hindi namin alam na tanga pala umakyat ang pusa na to at hindi marunong bumaba… tanga di ba?
kaya ko naconclude na retarded ang pusa namin dahil sa level ng maturity niya sa age niya… dun ko lang din naisip na possible din pala maging abnormal sa pag-iisip ang mga hayop… :D


No comments:
Post a Comment