Thursday, November 20, 2008

flame on

it almost started a fire...

tatlo lang kaming magkakapatid ko ngayon dito sa bahay plus baby na pamangkin.. nagwater bath ng baked mac sa kalan yung isa kong kapatid... hanggang sa me marinig akong popping sound, deadma lang ako nung una dahil parang wala lang naman, deadma lang din naman ung kapatid kong isa dahil nag-aalalga siya ng anak niya ngaun... maya-maya pa ng konti me naamoy na ko na parang nasusunog kaya hinanap ko ung pinanggalingan ng amoy at usok...

pagdating ko sa kusina, tseren!

is popping! pumuputok yung stainless na kaserola na ginamit niya sa pagwawater bath at umaapoy na rin yung gilid nung kalan... ewan ko kung bakit ganun, nagviolent reaction sa stainless yung apoy nung naubusan na ng tubig... dahil double burner un, yung isang burner naman umuusok na... i almost panicked dahil nasusunog na yung platito na may donut sa gitna ng kalan...

awa naman ng Diyos buhay pa kami at nagawa ko pang mag-blog... hehehe

Sunday, November 16, 2008

revised solusyon sa problema


ni-revise ko yung banner ko dahil wala daw balance sabi ng kapatid ko... kaya ayan... hehe share ko lang... imbes na natutulog na ko dahil me pasok pa ako mamaya ng 7am eto ako gumagawa ng banner... hahahaha

medyo naiba... para lang magkaron ng balance... XD

Tuesday, November 11, 2008

solusyon sa problema ko!


dahil magaganda ang suggestions ng mga tao para sa bagong banner ko... naisipan ko na lang pagsama-samahin silang lahat!!! hahahaha!!!

sinuggest niyo yan... wala ng bawian... hahahaha!!! binigyan niyo kasi ako ng idea... =p

ang masama lang eh hindi ko kuha yung mga pictures na yan maliban sa altar... :D

kung ayaw niyo yung banner ko, i-hack niyo na lang tong multiply ko para mapalitan... hehehe


P.S.
**imbes na gumagawa ako ng assignment ko sa biochem yan yung pinagkakaabalahan ko dahil hindi ako pumunta sa symposium... hahahaha XD lagot ako...

Friday, November 07, 2008

bagong buhay?

mukhang kelangan ko na talaga mag-aral ng mabuti lalo na sa anatomy & physiology at biochemistry... paano ba naman kilala ako agad ng mga prof ko dahil nung sumali ako sa science quiz bee kaya ayun ang taas tuloy ng expectations sa akin...

i know that i don't need to live in the expectations of others... pero naman, iwas pahiya na lang... dahil mukha talagang me balak silang pagtripan na lagi ako ang pagrerecitin... ayaw ko naman mapahiya 3x a week tapos magkasunod pa yun... tsk

hanggang kelan kaya ako magiging ganito? hmmm... sana naman sumipag na talaga ako until the end of sem para me mapala naman ako sa buhay... pero ang problema lang naman kasi sa akin ang hilig ko magpalate at umabsent... nasanay kasi ako sa eng'g na karamihan ng prof walang pakealam sa attendance kaya wala talagang panctuality na natutunan sa uste...

pero kasalanan ko din dahil inadapt ko yung ganung kultura kaya eto ako ngaun hirap magbago... sana kasi magkaron na ng gamot na magrerelease ng sipag ng tao para wala ng tamad sa mundo! hehehe XD

last day bukas para sa regular classes dahil next week na ang health society week (nursing week)! yehey! pero me prob ako... kelangan naka yellow kaming lahat na first year the whole week next week... paano kaya yun, ang mga yellow shirts ko lang dito eh pe uniform ko nung high school... pwede ko gamitin yung black and yellow pe uniform ko sa uste pero pang isang araw lang yun... paano na yung natitirang araw na pasok ko???

laki ng problema ko noh? hahahaha!!!
Iskul Bukol - the Bloomfields