Friday, November 07, 2008

bagong buhay?

mukhang kelangan ko na talaga mag-aral ng mabuti lalo na sa anatomy & physiology at biochemistry... paano ba naman kilala ako agad ng mga prof ko dahil nung sumali ako sa science quiz bee kaya ayun ang taas tuloy ng expectations sa akin...

i know that i don't need to live in the expectations of others... pero naman, iwas pahiya na lang... dahil mukha talagang me balak silang pagtripan na lagi ako ang pagrerecitin... ayaw ko naman mapahiya 3x a week tapos magkasunod pa yun... tsk

hanggang kelan kaya ako magiging ganito? hmmm... sana naman sumipag na talaga ako until the end of sem para me mapala naman ako sa buhay... pero ang problema lang naman kasi sa akin ang hilig ko magpalate at umabsent... nasanay kasi ako sa eng'g na karamihan ng prof walang pakealam sa attendance kaya wala talagang panctuality na natutunan sa uste...

pero kasalanan ko din dahil inadapt ko yung ganung kultura kaya eto ako ngaun hirap magbago... sana kasi magkaron na ng gamot na magrerelease ng sipag ng tao para wala ng tamad sa mundo! hehehe XD

last day bukas para sa regular classes dahil next week na ang health society week (nursing week)! yehey! pero me prob ako... kelangan naka yellow kaming lahat na first year the whole week next week... paano kaya yun, ang mga yellow shirts ko lang dito eh pe uniform ko nung high school... pwede ko gamitin yung black and yellow pe uniform ko sa uste pero pang isang araw lang yun... paano na yung natitirang araw na pasok ko???

laki ng problema ko noh? hahahaha!!!
Iskul Bukol - the Bloomfields

No comments: