Wednesday, December 24, 2008

happy birthday!



MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!!

at dahil birthday ni papa jesus ngaun, dapat everybody happy! dapat lang hindi mo naman kaya birthday! don't expect gifts! tulad ko lol :p hahaha!

nakakamiss lang kasi kapag nasanay ka sa tradition na every christmas me narereceive ka... lalo na yung gift galing ke sta. claus... hehehe syempre noon sobrang matataga ang pananampalataya ko ke santa claus hanggang sa tseren! alam ko na ang lahat at nawala na si santa... kakalungkot... hanggang grade 6 ako nun pinagtatanggol ko si santa... hahahahaha!!!

naalala ko lang kanina habang nagheahear kami ng mass for christmas, noon kasi pagkatapos ng mass excited na kami umuwi para makita ang gift from santa... minsan aabangan pa na baka dumaan yung sleigh niya... parang adik lang di ba? kaya lang minsan nashshort si santa dahil sa krisis kaya nadedelay ang pagbibigay ng regalo at inaabot na minsan ng epiphany... hahaha at least christmas season pa rin! ^_^

ang saya pag bata receive lang ng receive... habang tumatanda nauubos yung narereceive mo hanggang ikaw na ang naggigive...

ngayong christmas medyo kakaiba kasi paunti na kami ng paunti dito... 3 na kasi ang bumukod kaya 4 na lang kaming magkakapatid ang natira dito plus isang baby pamangkin at yung tatay ko naman nagkakanda kuba sa pagkayod sa abroad... tapos ang dami pang basura kasi wala yung yaya namin ngayon at tinatamad kami maglinis... hahahaha!

at dahil uso ang wishlist ngayon makikigaya na rin ako! konti lang naman pero yung mga parang imposible sa ngayon... kaya nga wishlist di ba? hehehe :D
  1. DSLR - eh gusto ko nga kasi maging photographer kaya number 1 yan... :D
  2. Philippine Track Jacket - patriotic kasi ako kaya ko gusto niyan... thanks nga pala ke kuya mike para sa magandang t-shirt na 100% pinoy freedom... ^_^
  3. Crocs - hindi ko maalala kung ano yung specific na tawag eh sa style eh, basta yung tulad ke erick na me lace parang sapatos... ang mahal kasi P2.9k nung tinignan namin para akong bumili ng cellphone... hehehe pero gusto ko yung style eh... tsk
  4. Havaianas with Philippine Flag - nasa tatay ko na kasi yung ganyan ko na galing sa myoh kasi nagkamali akong size na nakuha mas maliit sa akin kaya ayun... kelangan ko tuloy ulit mag-antay ng summer para makakuha ng ganung tsinelas... tsk
yan lang yung mga gusto ko sa buhay... pero sa totoo lang kahit yung number lang makuha ko masayang-masya na ako... wala naman ako pake kung makuha ko o hindi yung 2-4 gusto ko lang naman yun eh pero yung number 1 talaga yung pinag-iipunan ko ngayon... sana makaipon... :D

merry christmas ulit! ^_^




Silent Night - Spongecola

No comments: