Monday, April 06, 2009

some random thoughts



tagalized na yung facebook ko pareho na siya ng multiply at language na ginagamit ko ngayon sa fon ko... hahahaha!!! hindi ko naman sinasadya na maging tagalong yung facebook ko... me nakita kasi ako na help facebook to translate in filipino, kinlick ko lang then ayun hindi ko napansin na tagalized na pala yung facebook ko... hahaha




4 days and 3 nights din akong mawawala sa maynila dahil magbabakasyon ako sa baler, aurora... bukas na ang alis namin at overnight namin mamaya sa bahay nila mommy duds para dirediretso na at hindi maiwan ng bus... hahaha!!! 10 hours daw ang biyahe... kaya kamusta naman yun parang narating na namin ang ilocos norte sa layo... X_x

pang-ilang beses ko pa lang mag-punta sa probinsya kasi naman walang probinsya ang pamilya namin kaya eto taong maynila... pangalawang beses ko pa lang magbakasyon ng holy week, nung una sa pampanga and this time aurora!!! sana next time out of the country naman... XD madalas kasi nung bata ako puro recollection... hahahaha!!! ang pathetic ng buhay ko... tsktsktsk

sana mag-enjoy ako dun... XD
eto na naman ako hindi pa ako ulit nakakapag-empake...

Wednesday, April 01, 2009

sari-saring kwento

"Lasing sa Outing"


unang kwento... last march 31, 2009 nag-outing kami (plmar friends) sa blue water resort sa liblib na pook ng montalban... (ang layo at puro bundok na talaga yung lugar, parang nasa sierra madre na kami sa layo) doon kami nagsaya dahil natapos na ulit ang isang sem na puro sakit ng ulo at pahirap...

syempre para muling magsama-sama ang lahat pati na rin dun sa mga magshishift na at ibang titigil na sa pag-aaral...

madaming food, kaya kahit maging patay-gutom ka, ok lang... san
dali lang ako nakalangoy dahil nangati ako sa tubig... hindi naman madumi yung tubig, in fact kakalagay lang ng bagong tubig sa pool nung lumusong ako... ewan ko lang kung bakit... hindi siguro ako sanay sa malinis na tubig ng pool... hahahahaha!!!

kaya ang ginawa ko, nag-inom na lang ng alak kasama nung mga hindi lumalangoy... at dahil mabilis lang yung ikot... hindi ko namalayan na me tama na ko... hangga
ng sa... wala na akong maalala... ang kwento na lang sa akin ay nung ginigising na ako para mag pack-up na, kinalkal ko daw yung bag ng may bag at inayos samantalang yung bag ko ay may nagbitbit na pala... nakakahiya kasi hindi ko maalala yung mga pinaggagawa ko... basta ang sumunod na lang na naalala ko nasa jeep na natutulog, tapos sa bahay ng kaklase ko at umakyat para matulog na... yun lang... hahahahaha!!! sorry dun sa kinalkalan ko ng bag... :D



"I am my Sister's Karma"


kanina lang, nagtext ako ke sanse na sponsoran ang baon ko para sa zambales trip ko bukas sa nstp... awa ng Diyos me pera siya ngayon at nauto ko naman agad... kala ko nung una maximum of P300 worth of goodies lang ang bibigay sa akin... nagulat ako nung nagtext siya na iiwan na lang niya yung P500 pambili ko ng baon...

eh kaso hindi niya iniwan dahil nagpasama siya sa akin sa doctor niya at kelangan me papirmahan... pero dahil wala pa yung doctor, nag-grocery muna kami ng baon ko... P400 lang yung binigay niya, kala ko ginamit na lang pang-parking... nung magkasama na kami sa kotse nakonsensya dahil P500 daw yung pinabibigay nung asawa niya sa akin at baka malasin pa siya pag kinurakot niya yung P100... hahaha!!!

lagi ako ganito kagarapal manghingi ng pera kapag kinakailangan... pag napapanahon lang dahil hindi pa ganun kakapal ang mukha ko lalo na ngayon me sarili na siya pamilya at manganganak pa this summer... pero ok lang yung paminsan-minsan... hehehe kasi nung college din si sanse, malakas din siya mangharbat sa ate namin... kaya ngayon ako naman sa kanya... kaya ako ang kanyang karma... lol...

sabi nila makakarma din daw ako sa mga pamangkin nila... sa akin naman... ok lang kasi pag ako na ang nakadama ng karma ibig sabihin hindi ako gipit sa pera... =)



"NSTP-LTS Destination: Zambales"


bukas na ang trip namin sa zambales para sa graduation namin sa nstp... parang adik lang di ba? kelangan pa talaga sa zambales yung graduation... at tinapat pa sa araw ng enrollment... tsktsktsk... kung hindi lang madami ang absences ko at hindi nila pinangbblockmail yung certificate at class card na ibibigay nila sa zambales... at yung nstp-shirt ko na binayaran ko nung first sem na hindi ko pa rin nakukuha hanggang ngayon, sa zambales din daw ibibigay... nu ba yan!

kanina lang ako bumili ng baon ko na bibitbitin sa zambales... salamat ke sanse (aking kapatid) at babesh (ang kanyang asawa) sa pag-sponsor ng babaunin ko... ^_^

hindi ko pa naayos yung mga damit at kelangan na bibitbitin ko sa zambales... pero me checklist na ako... tinatamad pa nga lang ako hanapin yung mga kelangan ko... hahahahaha!!! at least me progress na ako kahit papaano...

try ko nga muna kung sisipagin na ako mag-ayos ng gamit... :D