Monday, January 26, 2009

kung hei fat choi! happy year of the ox!

bago pa man matapos ang chinese new year gagawa na ko ng blog... hehehe XD

gusto ko talaga maka-witness ng dragon and lion dance sa chinese new year kasi yun lang naman talaga yung season na me ganun... XD tsaka syempre for photos na rin... hiniram ko yung camera ni sanse na hindi ko pa masyadong gamay... bago lang kasi kaya medyo tsambahan pa sa settings at modes... :D **sana next time naka dslr na ko**

ahapon pa ko nag-hunt kung san merong dragon ang lion dance, luckily nakakita naman ako sa riverbanks pero ang date ay jan. 26 at 4pm sa day mismo ng chinese new year... so kelangan ko pa bumalik kinabukasan... masaklap ang klase ko hanggang 5pm na sinagad talaga ng prof ko sa lab dahil class nya ay 1-5pm tapos tumambay pa ng konti para na rin kumain kaya 6:30pm na rin nakaalis sa school...

pagdating sa riverbanks kala ko wala ng lion and dragon dance pero nagkakamali ako naglilibot pala sila... hindi para mag-entertain kundi mangulimbat ng ang pao sa tindahan tsaka magsasayaw sa harap! mga mukhang pera pala ang mga walang hiya... tsk tsk tsk... ang hirap pa nila habulin parang 5sec lang sila mag sayaw per tindahan na me ang pao tapos ang dami pang nakaharang kaya nahirapan ako magpicture... pero hindi ako sumuko, habol naman ako... hahahaha!!!

medyo frustrating yung experience kasi hindi ganung dragon ang lion dance yung ineexpect ko... expected ko kasi magpeperform sila para mag entertain tapos sasayaw ng genuince lion dance (yung totoong choreo talaga para sa lion dance) eh kaso hindi... T_T parang bogus lion dance lang yung nakita ko for the sake lang na me dragon and lion dance... kainis tapos hirap pa mapicturan... umuwi na din ako matapos ma drain nung camera...

sana sa susunod totoong dragon and lion dance na yung makita ko at sana naka dslr na ko! hehehe XD

**gusto ko ng tikoy at sana yung ube flavor para ma experience ko naman**

**bukas ko na lang upload yung mga pictures, drain na kasi yung battery nung digicam at na kay sanse yung charger kaya hanggang blog na lang muna ako... hehehehe***




Lion Dance Drumming - Lion Dance Drumming

Friday, January 16, 2009

Forever by Chris Brown

Tagged by Janna Marica Navarro

Here are the rules:
1. Put your iTunes on shuffle.
2. For each question, press the next button to get your answer
3. YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS
4. Tag at least 10 friends who might enjoy doing the game as well as the person you got the note from.


1) IF SOMEONE SAYS "IS THIS OKAY" YOU SAY?
> HIPS DON'T LIE by Shakira feat. Wyclef Jean -- er?



2) WHAT WOULD BEST DESCRIBE YOUR PERSONALITY?
> BECAUSE OF YOU by Kelly Clarkson -- walang sense? lol



3) WHAT DO YOU LIKE IN A GUY/GIRL?
> GIVE IT TO ME by Timbalang feat. Nelly Furtado and Justin Timberlake -- ano daw?



4) HOW DO YOU FEEL TODAY?
> BIZARRE LOVE TRIANGLE -- parang hindi naman



5) WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?
> WIN by Brian McKnight -- wow! nagkaron din ng sense :D



6) WHAT IS YOUR MOTTO?
> ONLY TIME by Enya -- motto ba yun?



7) WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?
> OO by Up Dharma Down -- sagot ng matinong tao sa tanong na hindi naintindihan... lol



8) WHAT DO YOU THINK ABOUT OFTEN?
> LIKE I LOVE YOU by Justin Timberlake -- sino ba talaga kausap ko? hahaha



9) WHAT IS 2+2?
> ONE STEP AT A TIME by Jordin Sparks -- bobo sa math? kaya umalis sa engineering eh... wahahahahaha!!!



10) WHAT DO YOU THINK OF YOUR BEST FRIEND?
> YOU BELONG TO ME by Jason Wade -- possessive pala ang best friend ko... hahahahaha



11) WHAT DO YOU THINK OF THE PERSON YOU LIKE?
> WAKE ME UP WHEN SEPTEMBER ENDS by Green Day -- saklap naman...



12) WHAT IS YOUR LIFE STORY?
> 214 by Rivermaya -- oohh... hindi ko alam eh... hahahaha


13) WHAT DO YOU WANT TO BE WHEN YOU GROW UP?
> UNWELL by Matchbox 20 -- what the heck? wala ata akong pake sa kinabukasan ko... hahahahaha!!!



14) WHAT DO YOU THINK WHEN YOU SEE THE PERSON YOU LIKE?
> RUNAWAY TRAIN by Collective Soul -- iba kaya... hahahaha >:D


15) WHAT WILL YOU DANCE TO AT YOUR WEDDING?
> WAY BACK INTO LOVE by Hugh Grant & Drew Barrymore -- pang kasal ba to??? hahahaha!


16) WHAT WILL THEY PLAY AT YOUR FUNERAL?
> MORE THAN WORDS by Westlife -- baka maiyak ako sa kinahihimlayan ko... favorite song ko to eh... ako pa umiyak sa libing ko eh noh... hahahaha!!!


17) WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?
> CONTROL MYSELF by Maroon 5 -- pwede... hehehe



18) WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?
> CHECK UP ON IT by Beyonce feat. Slim Thug -- hahahaha!! pwede ulit :D


19) WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?
> I'M YOURS by Jason Mraz -- ang possessive namang friendship to... hahahaha!!!



20) WHAT'S THE WORST THING THAT COULD HAPPEN?
> YOU'RE A GOD by Vertical Horizon -- eh worst thing nga yun! hahahahahaha!!!


21) HOW WILL YOU DIE?
> BUBBLY by Colbie Caillat -- mamamatay akong masaya!!! yey!!! heart attack? lol



22) WHAT IS THE ONE THING YOU REGRET?
> BASKET CASE by Green Day -- parang hindi naman regret yan...


23) WHAT MAKES YOU LAUGH?
> CRASH AND BURN by Savage Garden -- hindi kaya!!! sige try mo matawa dyan... :p


24) WHAT MAKES YOU CRY?
> PRINSESA by 6cyclemind -- ummm... yung song minsan... pero yung prinsesa.... parang hindi...



25) WILL YOU EVER GET MARRIED?
> BECAUSE OF YOU by Ne Yo -- ayan kaw tuloy me kasalanan... tatanong-tanong pa kasi... :p



26) WHAT SCARES YOU THE MOST?
> YOUR GUARDIAN ANGEL by Red Jumpsuit Apparatus -- hindi kasi angel... lol


27) DOES ANYONE LIKE YOU?
> SCREAM by Timbalang -- ayaw ka sagutin... sorry... :p



28) IF YOU COULD GO BACK IN TIME, WHAT WOULD YOU CHANGE?
> WITH YOU by Chris Brown -- parang hindi naman nasagot ang tanong...



29) WHAT HURTS RIGHT NOW?
> PUMP IT by Black Eyed Peas -- huwaaaat?!?



30) WHAT WILL YOU POST THIS NOTE AS?
> FOREVER by Chris Brown -- walang kwenta... nakakainis... hmpf!



**tinatamad na ako mag-tag... -_-" hehehe

Friday, January 09, 2009

unang incident report (IR)

4:30am nag alarm na fon ko oras na para gumising at pumasok sa klase ko sa ncm 100 rle (related learning experience) ang klase kung saan napaka-higpit sa attendance, grooming at requirements... masyado pang maaga dahil ang klase ko ay 7am pa naman kaya nag-snooze muna ako, ugali ko na to dahil hirap talaga ako bumangon... after 9 min. nag alarm ulit yung fon ko, nag snooze ulit ako dahil 4:39am pa lang hanggang sa napahimbing ang tulog ko...

pag mulat ko ng mata cellphone ang agad kong kinuha at tinignan ko ang oras... laking gulat ko ng makita ko 7:18am na!!! putang ina!!! sa loob-loob ko, syempre hindi ako pwede magmura ng ganun sa loob ng pamamahay ng nanay ko baka magrayot.... hahahaha!!! dali-dali akong naghanap ng uniform na susuotin... paglabas ko ng kwarto nagulat din ang nanay ko dahil past 7am na nasa bahay pa ko... kaya sinabi ng nanay ko wag na daw ako maligo dahil naligo naman ako nung 11 ng gabi kaya hindi pa masyadong expired... :D pumayag naman ako dahil kelangan ko talaga magmadali kahit medyo kadiri... hehe naghilamos na lang ako at toothbrush at ayos na lang ng buhok at alis na ng bahay... kasabay ko nanay ko na umalis dahil pupunta din siya sa simbahan at nag trike na kami para mas mabilis ang byahe...

9:40am na ng nakarating ako sa school... alam kong hindi na ko makakapasok kaya nagtanong ako sa may guard kung paano gumawa ng ir dahil perstaym ko magka ir... :D excuse letter lang pala na ipapapirma rin sa prof, kala ko naman kung ano ginagawa sa ir... pero pag-akyat ko me kaklase akong nasa labas na late din at ang sabi mag-antay sa labas... ayun nag-antay kami ng 1hr sa prof... kahit medyo close kami nung prof na yun nasermunan pa rin ako, syempre kelangan maging professional... mas malupit nga sya maging prof sa mga close nya... hahaha!!!

pagpasok ko audio visual presentation lang ng return demonstration lang para next week na mga sumusunod:
  1. unoccupied be making
  2. occupied bed making
  3. bed bath
  4. oral care for an unconscious client
  5. perinial care
  6. handnails and one foot care
ang saya di ba? ang dami-dami! dahil sa 1 week kaming mawawalan ng pasok binawian tuloy kami at nilagay sa isang meeting... hooray! baliwan na naman next week... T_T

Thursday, January 08, 2009

10 utos sa pangongopya

1. Iwasang makipagtalo sa matatalino, tandaan, sila ang kapit mo. - agree lang ng agree... :D




2. Wag mag-dalawang isip sa kinopya mo, time is gold kaya kopya lang ng kopya. - talaga naman! nangopya ka pa kung me duda ka... laging tandaan sya ang nag-aral at hindi ikaw... :p




3. Iwasang uminom ng alak bago mangopya, baka biglang maging intsik ang test paper ng katabi mo. - wahahahaha!!! dapat gising ang buong diwa pag nangongopya...




4. Magyosi bago mangopya, pantanggal kaba. - kaso nakakatae... hahahaha!!!




5. Wag magdasal bago mangopya. Masama gagawin mo tapos hihingi ka pa ng tulong kay God. - oo nga naman... idadamay mo pa ang Diyos sa kasamaang gagawin mo... hahaha!!




6. Lakihan ang sulat, may nangongopya din sa likod mo. - korek! dapat minimum og 0.5 ang tip ng ballpen na gagamitin... bawal ang g-tech mahirap magbasa!




7. Wag maingay sa upuan, para iwas atensyon sa prof. - matuto ka mag-lip read para hindi ka mag-ingay!




8. Maging listo sa paggalaw ng prof., baka nasa harap mo na, di mo pa alam. - wag tatanga-tanga... :D




9. Tanggalin sa utak ang konsyensya. Grades mo nakasalalay. - dapat lang talaga o wag ka na lang mag-exam! :p




10. Magpasalamat at ilibre ng gulaman ang kinopyahan at tandaang wag mong tataasan sa grade ang kinopyahan mo para makaulit ka pa. - bakit walang nanlilibre sa akin pag ako kinokopyahan? lol


***************************

ayaw ko yung mga madadamot sa sagot... tapos kung makakopya naman sa akin sa mas madalas na pagkakataon eh napaka-garapal... wala naman ako pinapatamaan pero based on experience lang... hahahaha!!! XD

Wednesday, January 07, 2009

para sa mga kabataan ng 90's

Isa-isahin nyo to at pag natawa kayo, nangiti, may naalala, syurbol akong batang 90’s ka!

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kad
alasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.

2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.


6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. - napagalitan kami nun dahil dito... XD

7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.


8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. - never ako nakakita nung iba-iba kulay... red light lang ako meron nun... tsk9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.

10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad
nung panahon natin. - tapos tatakas pag nakatulog na yung nagpapatulog sau... hahaha

11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo. - sa akin agua oxygenada... hahaha

12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si J
olina ang nagpauso nito)

13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.

14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. - akala ko noon totoo to pero hindi ako nag-alaga ng kisses... hehehe

15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles. - buhay pa rin yung mga ganito namin! nakadikit sa lumang drawer... XD

16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade. - hanggang ngayon! hahahaha


17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.

18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.

19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. - after class ako kasi pang-umaga ako lagi eh... hehehe

20. Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. ”Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.

21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side taposmaraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. - pangarap ko dati kahit double deck na pencil case lang... haha

22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

23. Sa coleman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school. - minsan juice pag meron... hahaha!

24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. - but i failed... lol

25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.

26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. - wala ako nito...

27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.

28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. - nagkaron kami ng nintendo at troll na rainbow ang buhok at ginupitan ko... hahaha

29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: “Natatawa ako, hi hi hi hi”, “Anong paki mo sa long hair ko”, “Dahil sa bawal na gamot”, “Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko”.

30. Isa dito ay theme song mo: “I Swear” by All 4 One, “What’s Up” by 4 Non Blondes (Andsay, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What’s goin on!), “Zombie” by Cranberries.

31. Sumasayaw ka ng Macarena.

32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.


33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.

34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

36. Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee Song”, etc. - sobrang religious pa ko nito! XD


37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. - adik ako nun sa power rangers... binilhan pa talaga ako nun ng megazord na laruan nung nagka-honor ako sa school at buhay pa sya hanggang ngayon! kulang-kulang na nga lang yung maliliit na parts... hehehe

38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad. - hahaha!!! agatom pa si brenan nun

39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku. - sobrang naadik ako sa kanila... pati mga teks ko XD

40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: ”Tato ni Ara Mina malaking cobra…”, “Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta…”, ”…Kontra Bulate!”

41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: “Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman… Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman..” - pati na rin fiveman na me michelin tires mascot at bioman... hahaha

42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.

43. Alam mo din yung “Ang Pulubi at ang Prinsesa” with Camille Prats and Angelica Panganiban.


44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na
pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena. - hahaha! tama! ang favorite ko si kiko matsing at pong pagong

46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na “ATBP.”: Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu… labingisa-labingdalawa… labingtatlo… labingapat-labinglima…

47. Napanood mo ang Batang X.


48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. - nasa ch 9 pa to nun at sobrang daming na-hook dito... at kahit na alam mong baduy pinapanood mo pa rin... hahaha!!!

49. Nanonood ka ng kahit alin dito: “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”. - lufet! hahahaha!!!

50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. - sobrang effective kasi ni gladys reyes at mamon look pa si juday dito... alam na tuloy na pinanood ako... hahahaha!

51. Pinanood mo din yung “Villa Quintana”, “Esperanza”, “Anakarenina” atbp.

52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. - me bangs pa si jolina nun! bwahahaha!!!

53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: “Dear diary, Carlo sat beside me today. He’s so cute! Sabi niya I’m pretty kaya lang I’m fat.” - bwahahahaha!!!

54. Kinakanta mo yung “Thank God it’s Sabado, pati na rin Linggo…” at “Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”. - i think "i love you sabado" ata yun... kasi favorite song ko yun nun eh! hahaha!!!

55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. - shet oo! kala ko talaga katapusan na ng 2000... eh hindi pala... joke lang ang lahat... hahahaha!!!

57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo. - sa abc 5 pa yun nun tapos ang subtitles chinese din... hahahaha!!!

58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies. - suspense horror na sa akin to nun... hahaha!!!

59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na “Goodbye, England’s Rose.”

60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. 61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha. - nauso din ang video rentals at dyan nagsimula ang piracy... nakapanood ako nun ng babe the gallant pig na isang pirated vhs! hahahaha!!!

source: dyepri budoy


kung nakarelate sa mga nakalagay dito malamang ka-edaran kita at malamang din na matanda at botante ka na sa darating na eleksyon! at ang iba gumagawa na rin ng bata... hahaha!

nakakamiss lang ang pagiging bata... maglalaro ka lang pagkagaling sa eskwela tapos wala kang pakealam kung mag-amoy araw ka man at dumami man libag mo sa leeg at saang singit man sa katawan mo... tapos tatawagin ka na lang sa gabi habang naglalaro ng taguan para kumain na... :D

parang ang bilis ng panahon... parang kahapon ko lang na-experience ang mga bagay na yan at ngayon nagrereminisce na ako/tayo ng ating kabataan... tsk

Saturday, January 03, 2009

happy epiphany!


HAPPY EPIPHANY!

wala lang... hahahaha!!! last day of holidays kaya eto blogging na dapat tinatapos ko na ang assignment ko for anatomy & physiology laboratory... :D

sa wakas hindi na mukhang bodega ang kwarto ko ngaun... gusto ko na lang sya ayusin pag me budget na... hehehe :D medyo nakakaburyo din ang walang pera kaya kelangan na pumasok bukas... hahaha!!!

magsisimba sana kami kanina kaya lang too late communion na ata kaya nag kwek kwek na lang kami... ang sosyal ng damit namin para lang mag kwek kwek parang nagsimba lang... hindi to alam ng nanay namin kaya wag kayo maingay... hahahaha!!! sa totoo lang gawain namin to madalas ng kapatid ko lalo kapag ayaw namin yung paring nagmimisa, lumalayas kami at pumupunta sa kwek kwekan... hehe

err? bat kaya parang walang kwenta ang insights ko ngaun... epekto siguro ng sobrang pagkukulong sa bahay na epekto ng walang pera... hahahaha!!! though lagi naman ako nasa inuman na nasa loob din ng bahay kaya parang nakakulong din ako sa bahay... hehehe XD

it's time to come out of the shell again!
i just hate the stress... @_@




We Three Kings - Steve Ouimette

Thursday, January 01, 2009

start the year right

i was supposed to take pictures of my new year's resolutions but our camera broke... huhu T_T wala na ko mapapaglaruan...

kaya ayan ang pangit nung nag-iisang picture for my new year's resolution... pero actually walang kwenta naman yun dahil alam ko hindi ko rin sya matutupad... just for the sake na kahit papaano gusto ko rin magbago... hahahaha!!!

1. gusto ko ng bawasan ang pagyoyosi if not totally eliminate it... ummm? gusto ko na talaga... :D

2. bawas na rin sa alcohol (yun yung nirerepresent nung picture sa kaliwa... pero blurred... im sorry...) ayaw ko na masyadong mag-iinom... i still love my liver! XD pero hindi ibig sabihin hindi na ko iinom... :D

3. study more! -- joke lang... try to study lang... hahahahaha!!! kelangan ko na talaga mag-aral, my grades are getting low...

4. clean my room regularly -- err... hindi pa ko tapos maglinis ng room ko ngayon... lagot ako ke inay kapag hindi ko to natapos bago magpasukan... XD

5. gain weight -- sana naman talaga tumaba na ko... babalik na ko ulit sa gain weight program ko... ang kumain ng french fries everyday! hahahaha!!!

6. save more! -- eto gagawin ko talaga! dahil wasak na yung digicam dito sa bahay wala na akong mapaglalaruan kaya kelanga na talaga mag-ipon para sa dslr camera... :D gusto mo magdonate? pwede mo i-deposit sa aking bpi family account... account # 6216 2900 79... hahahaha!!! serious to... i'm desperate! :D

yun lang... sana lang magawa ko lahat... i'm bored kaya ako gumawa nito... walang kwenta laman ng isip ko ngayon dahil puro family reunions lang ginagawa pag ganitong season at hindi ako masyadong nakakalabas sa totoong mundo... =)

have a blessed 2009 to everyone! ^_^