Thursday, January 08, 2009

10 utos sa pangongopya

1. Iwasang makipagtalo sa matatalino, tandaan, sila ang kapit mo. - agree lang ng agree... :D




2. Wag mag-dalawang isip sa kinopya mo, time is gold kaya kopya lang ng kopya. - talaga naman! nangopya ka pa kung me duda ka... laging tandaan sya ang nag-aral at hindi ikaw... :p




3. Iwasang uminom ng alak bago mangopya, baka biglang maging intsik ang test paper ng katabi mo. - wahahahaha!!! dapat gising ang buong diwa pag nangongopya...




4. Magyosi bago mangopya, pantanggal kaba. - kaso nakakatae... hahahaha!!!




5. Wag magdasal bago mangopya. Masama gagawin mo tapos hihingi ka pa ng tulong kay God. - oo nga naman... idadamay mo pa ang Diyos sa kasamaang gagawin mo... hahaha!!




6. Lakihan ang sulat, may nangongopya din sa likod mo. - korek! dapat minimum og 0.5 ang tip ng ballpen na gagamitin... bawal ang g-tech mahirap magbasa!




7. Wag maingay sa upuan, para iwas atensyon sa prof. - matuto ka mag-lip read para hindi ka mag-ingay!




8. Maging listo sa paggalaw ng prof., baka nasa harap mo na, di mo pa alam. - wag tatanga-tanga... :D




9. Tanggalin sa utak ang konsyensya. Grades mo nakasalalay. - dapat lang talaga o wag ka na lang mag-exam! :p




10. Magpasalamat at ilibre ng gulaman ang kinopyahan at tandaang wag mong tataasan sa grade ang kinopyahan mo para makaulit ka pa. - bakit walang nanlilibre sa akin pag ako kinokopyahan? lol


***************************

ayaw ko yung mga madadamot sa sagot... tapos kung makakopya naman sa akin sa mas madalas na pagkakataon eh napaka-garapal... wala naman ako pinapatamaan pero based on experience lang... hahahaha!!! XD

No comments: