pag mulat ko ng mata cellphone ang agad kong kinuha at tinignan ko ang oras... laking gulat ko ng makita ko 7:18am na!!! putang ina!!! sa loob-loob ko, syempre hindi ako pwede magmura ng ganun sa loob ng pamamahay ng nanay ko baka magrayot.... hahahaha!!! dali-dali akong naghanap ng uniform na susuotin... paglabas ko ng kwarto nagulat din ang nanay ko dahil past 7am na nasa bahay pa ko... kaya sinabi ng nanay ko wag na daw ako maligo dahil naligo naman ako nung 11 ng gabi kaya hindi pa masyadong expired... :D pumayag naman ako dahil kelangan ko talaga magmadali kahit medyo kadiri... hehe naghilamos na lang ako at toothbrush at ayos na lang ng buhok at alis na ng bahay... kasabay ko nanay ko na umalis dahil pupunta din siya sa simbahan at nag trike na kami para mas mabilis ang byahe...
9:40am na ng nakarating ako sa school... alam kong hindi na ko makakapasok kaya nagtanong ako sa may guard kung paano gumawa ng ir dahil perstaym ko magka ir... :D excuse letter lang pala na ipapapirma rin sa prof, kala ko naman kung ano ginagawa sa ir... pero pag-akyat ko me kaklase akong nasa labas na late din at ang sabi mag-antay sa labas... ayun nag-antay kami ng 1hr sa prof... kahit medyo close kami nung prof na yun nasermunan pa rin ako, syempre kelangan maging professional... mas malupit nga sya maging prof sa mga close nya... hahaha!!!
pagpasok ko audio visual presentation lang ng return demonstration lang para next week na mga sumusunod:
- unoccupied be making
- occupied bed making
- bed bath
- oral care for an unconscious client
- perinial care
- handnails and one foot care

No comments:
Post a Comment