adik ang nanay ko, sobrang hook na hook na siya sa panonood pinoy big brother (teen edition plus) at syempre damay kami dahil iisa lang ang tv dito sa bahay...talaga namang memorized ang oras at hindi nakakalimutan kapag nandito siya sa bahay, kapag 12nn pbb special streaming sa studio 23... pagdating naman ng 5:30pm pbb uber naman sa abs-cbn at pagdating ng 9pm primetime naman sa abs-cbn pa rin... hindi naman maka-kapamilya 'tong nanay ko pero ngayon talaga naman ang kaadikan sa sobrang kaadikan inaasar na siya ng tatay ko kasi naman...
kapag naalala niya na oras na ng pbb mapapasigaw siya na "ay! big brother na!" na may kasamang lundag sa kinauupuan at dali-daling pupunta sa harap ng tv para manood... at ang tatay ko naman magrereact "grabe ka naman, aatakihin pa ako sa puso dahil sa big brother"
at kapag nanood siya ng pbb bawal kausapin dahil serious siya sa panonood bukod pa dun sa tuwing me bisita kami at nanonood siya ng pbb, hindi niya mapapalampas kausapin tungkol dito at ang saya niya kapag nakakarelate sa kanya yung kausap niya...

No comments:
Post a Comment