Thursday, May 15, 2008

yosi, lighter at ina ko

*ang kwentong ito ay halaw sa tunay na pangyayari, sa katunayan kakatapos lang ng pangyayaring ito.

naghuhugas ako ng kaldero nun, para makapag saing na ko dahil hapunan na. ang mga magulang ko ay nasa sala kasama ang sanse (pangatlong babae sa pamilya) ko at ang bunsong kapatid ko naman ay naghahanda para sa iihawin.

habang kiniskis ko ng steel wool yung kaldero para matanggal yung mga tigang na kanin na nakadikit, pumasok naman ang bunso kong kapatid at sinabi:

bunso: mie pahiram po ng lighter.

sumagot naman agad ang nanay ko na may kalakasan at walang pagdadalawang isip at sinabi.

momi: si sanko me lighter! naninigarilyo yan eh! sanko pahiram daw ng lighter!

**sanko ang tawag sa akin sa bahay aka pangatlong kuya.

natahimik ako bigla dahil hindi ko alam ang isasagot ko, alam ko na alam ng nanay ko na nagyoyosi ako pero hindi naman ako handa na ipaalam sa tatay ko, natauhan ako ng sumigaw ulit ang nanay ko.

momi: naninigarilyo yan si sanko, me marlboro yan eh!

talaga naman updated sa brand ng yosi ko, ang alam ko pa kasi ang alam niyang yosi ko ay philip morris menthol, pakealamera talaga tong nanay ko at the same time chismosa pa! hahaha! sumigaw ulit ang nanay ko.

momi: sanko pahiram daw ng lighter!

wala na akong choice kundi sumagot, dedeny pa ba ako? edi napasama pa ko lalo.

sanko: sa bag ko!

ayun, tapos ang usapan nagsaing na ako at eto gumawa ng blog baka mawala pa sa isip ko ang pangyayaring ito.

**masasabi ko lang... hooray! ligal na talaga ang pagyoyosi ko! hahahaha! pero hindi pa rin ako magyoyosi sa harap nila, bilang respeto pa rin. ^_^

No comments: