Sunday, June 29, 2008

ang bago kong crush at ang aking katangahan :D

yan si anna, aimee at airis... si aimee na nasa gitna yung bago kong crush, hehehe :D actually hindi siya masyadong babae, ewan ko kung ano talaga hindi pa kasi nacoconfirm though cross-dresser siya medyo nacoconfuse pa rin ako sa kanya dahil parang bakla siya kung kumilos... hehehe

ngayon araw ko lang siya nakita na naka pang-girl na damit kaya natuwa ako sa kanya kaya crush ko na siya ngayon! hehehe :D ang cute niya kasi pag naging babae... :D mukha siyang girl diyan di ba? pero pag naka civilian yan malilito ka ulit... hehehe

ayan nasa blog ko na tuloy siya... ^_^

on the other hand, nasugatan ako ng medyo malalim sa ring finger ko sa left hand dahil sa katangahan ko... naghahalungkat kasi ako ng gamit sa loob ng bag ko nang sumabit sa staple wire ng handout ko yung daliri ko at medyo bumaon kaya yan medyo maraming dugo ang nawala sa akin... na confine nga ako siyan dahil sa dami ng nawalang dugo, kinailangan pa ako i-blood transfusion... hehehe :D

sayang, pinainom ko na lang sana sa lamok yung dugo ko... marami pa naman nagugutom ngayon... hehehehehe =p

Thursday, June 26, 2008

boredom + manood ng pisay trailer = walang naaral para sa exams bukas

photo source: http://jojitlorenzo.multiply.com

dahil tinatamad pa ako mag-aral para sa quiz ko sa psych, long test sa college algebra at sa quiz bee ekek sa tfn bukas, nagbukas ako ng browser para maghanap ng mapapaglibangan at sinwerte naman ako na kinonsinte ang aking katamaran... ^_^

at sa aking pagbubukas ng kung ano-anong site, nakita ko ang mga pictures ng pisay movie sa
http://jojitlorenzo.multiply.com na nakita kong mukhang interesting movie since na-try ko mag take ng entrance exam dyan at sa kasawiang palad sa marikina science ako napadpad! ang galing noh? syempre nag take din ako sa marisci at dun ako pumasa kaya dun ako nag-aral. baka isipin niyo na pag bumagsak sa psci automatic na irerecommend sa local science high school. (kabobohan ko kasi... hahahaha!)

masasabi ko na sobrang matatalino talaga yung mga estudyante sa psci, kung sa amin nga lang me mga halimaw na sa math...... oo math, math lang :D mali ata yung name ng school namin, dapat ata marikina mathematics high school. ayos di ba? forget about science sa marisci, pangalan lang ng school yun. ^_^ hehehe

hindi ko pa napapanood yung movie pero natuwa kasi ako, pambungad pa lang "you are nothing, but a unicellular protozoan amoeba!" ayos di ba? nose bleed agad... XD at yung mga estudyanteng nerdiests of the nerdiests, ayos sa buhay parang hinihinga ang science... sana makahanap ako ng dvd nito kahit pirata lang ok na wala kasi akong budget para bumili ng orig... sensya na... :D

Friday, June 20, 2008

Bago kong unan

before anything else, i would like to thank ms. virgo maria rodriguez, RN for lending me her book.

ayan ang bago kong unan, fundamentals of nursing na gagamitin ko sa aking first major subject na theoretical foundation of nursing. ayos di ba? first year, first sem pa lang me major na agad at sabak agad sa makapal na libro.

ito na kasi ang pinakamagandang choice ko, ang hirap kasi humanap ng sagot sa mga assignment na binigiay sa amin sa tfn kaya talagang mapipilitan ka humanap ng libro. tsk tamad pa naman ako magbasa ng mga makakapal na libro, madalas kasi nakakatulog ako sa pagbabasa at nagiging unan ko na yung libro at paggising ko isa lang ang nasasabi ko "ang sarap ng tulog ko!" hehehehe :D

recommendable ang mga ganitong libro sa mga insomniac. good luck na lang sa akin sa mamotivate ako magbasa ng ganitong libro, mukhang interesting naman yung laman kaya ko pa siguro tumagal ng isang oras sa pagbabasa. hehe:D

sana yung chemistry ko hindi na manataling pang-high school para hindi ko na kelangan humanap ng makapal na libro pa, ok na ako sa isang unan baka hindi na ako magising sa sobrang sarap ng tulog ko. hehehe ^_^

FYI
(for paperback):
number of pages: 1534 *table of contents, introduction and index are not counted
dimensions: 25cm x 17.5cm x 5.5cm
weight: 1.75kg

my parents read your comments... :D


nabalitaan ng mga magulang ko ang tungkol sa unanimous comment sa blog ko na "adik sa araw ng mga tatay" na carbon copy ako ng tatay ko. (http://dyiyanwei.multiply.com/journal/item/75/adik_sa_araw_ng_mga_tatay)

kaya ayun nagbukas sila ng multiply gamit ang existing account ng tatay ko at hinanap ang blog ko. malamang 'to tsinismis ito ng magaling kong kapatid (si sanse) kaya nila nalaman. medyo mahirap talaga turuan ang mga matatanda ng dapat gawin. ika nga nila "you cannot teach old dogs new tricks." hehehehe :D

so ayun hinanap nila yung blog sa tulong ko at binasa ang mga comment. oo nabasa nila lahat! hahahahaha! pati yung comment mo erick na grammy award goes to... ayun, natawa lang sila. hehehehe! at ayun talaga naman yung tatay ko gusto pa talaga mabasa yung unanimous comment ng mga tao na kamukha ko siya... tsktsktsk :D

kaya ayan, habang busy sila sa pagbabasa ay pinicturan ko sila para me isulat ako sa blog. hahahaha!

Thursday, June 19, 2008

españa aka atlantis

from: http://ustedyante.multiply.com/journal/item/4

kamakailan lang ay bumaha ulit sa españa, manila ng matindi after how many years. sa awa ng Diyos hindi ko naman na-experience ang paglusong sa baha sa aking stay sa ust. kaya lang hindi ko rin maipapagmamalaki ng true thomasian ako dahil hindi ko na-experience ang paglusong sa baha kung saan sikat ang ust. though nakaranas naman ako ng baha sa ust pero hindi yung malupit na wala ka na talagang magagawa kundi lumusong sa baha at hayaan mag-amoy aso ang paa mo, makauwi lang. hehehe :D

**mas marami pa ata akong lusong sa baha experience sa marikina science. hehehe

yung picture sa taas 2004 pa ata yan, natuwa lang ako kaya ko pinost. ang lupit kasi ng baha sa españa pwede nang mag-jetski! hehehe :D kadiri at the same time, ang baho kasi ng tubig sa españa kapag bumabaha, ang dumi kasi ng maynila. eew!

at talaga naman hindi nawawala ang mga batang lansangan na naliligo at ginagawang resort ang binahang lugar. with matching somersaults para talagang kumpleto ang viewing experience mo.

**to all my thomasian friends: babalik pa ako ng uste para bisitahin kayo! kaya lang pag sinipag na ako, dahil nalalayuan na ako sa ust ngayon... hehehe :D

Havaianas vs. Spartan


Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).

Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng
Spartan.

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan
sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman
nila, naka-slippers lang.")

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at
sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!




Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato
sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang
itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa
puno, e nadadamay pati yung tsinelas

--------------------------------------------------------------------

'pag ang tao naging centipede, maraming tatangkilik sa spartan! ahoo! ahoo! ahoo! wahahahaha! isa na ako dun... :D good luck sa mga maghahavaianas... hehehe ^_^

Wednesday, June 18, 2008

tv interview back in high school


this was our tv interview on breakfast on studio 23 (morning show kasabayan ng unang hirit, unfortunately wala na ngayon hehehe :D) early 2006 ata 'tong interview na 'to at ngayon ko lang nakita ulit yung cd ng interview namin kaya naisipan ko i-post.

actually hindi ko pa napapanood ng buo yung interview sa amin dahil nandidiri ako sa itsura mukha pa akong tanga dyan dahil sa buhok na hindi pa tumutubo. pesteng marikina science kasi yan kelanga 3x4 ang gupit sa buhok... ayan tuloy, ang daming picture ang pinagsisihan ko... hahahaha!

salamat kay ma'am amurao kaya kami nagkaroon ng interview... ang reason talaga ng interview sa amin ay ang investigative project namin about sa janitor fish, ke emong yung biofuel at sa amin naman ni ian yung leather...

kay ian yung suot kong uniform dahil nung pumunta ako ng marisci (ang aming meeting place bago pumunta sa abs-cbn compound) naka civilian ako at biglang sinabi ni ma'am amurao na dapat daw naka-unifrom! ayun ang liit sa akin nung uniform ni ian, wala naman akong choice kesa naman ako lang hindi naka uniform tsaka hindi daw pwede dahil school related activity... ang pinakamasaya sa lahat, bago kami ininterview ni atom tinanong niya kami "bakit po sila naka uniform?"... sayang tama na sana suot ko T_T pero ok lang...

and so iyon nagpapicture kami pagkatapos ng interview... hehehe :D papanoorin ko rin to ng buo 5-10years from now... hehehehe :D

**ang pangit ko talaga dito... tsk

Monday, June 16, 2008

Imagine Philippines Without Filipinos


Monday 16 June 2008 (11 Jumada al-Thani 1429)

Imagine a world without Filipinos
Abdullah Al-Maghlooth | Al-Watan, almaghlooth@alwatan.com.sa

Muhammad Al-Maghrabi became handicapped and shut down his flower and gifts shop business in Jeddah after his Filipino workers insisted on leaving and returning home. He says: “When they left, I felt as if I had lost my arms. I was so sad that I lost my appetite.”

Al-Maghrabi then flew to Manila to look for two other Filipino workers to replace the ones who had left. Previously, he had tried workers of different nationalities but they did not impress him. “There is no comparison between Filipinos and others,” he says. Whenever I see Filipinos working in the Kingdom, I wonder what our life would be without them.

Saudi Arabia has the largest number of Filipino workers — 1,019,577 — outside the Philippines. In 2006 alone, the Kingdom recruited more than 223,000 workers from the Philippines and their numbers are still increasing. Filipinos not only play an important and effective role in the Kingdom, they also perform different jobs in countries across the world, including working as sailors. They are known for their professionalism and the quality of their work.

Nobody here can think of a life without Filipinos, who make up around 20 percent of the world’s seafarers. There are 1.2 million Filipino sailors.

So if Filipinos decided one day to stop working or go on strike for any reason, who would transport oil, food and heavy equipment across the world? We can only imagine the disaster that would happen.

What makes Filipinos unique is their ability to speak very good English and the technical training they receive in the early stages of their education. There are several specialized training institutes in the Philippines, including those specializing in engineering and road maintenance. This training background makes them highly competent in these vital areas.

When speaking about the Philippines, we should not forget Filipino nurses. They are some 23 percent of the world’s total number of nurses. The Philippines is home to over 190 accredited nursing colleges and institutes, from which some 9,000 nurses graduate each year. Many of them work abroad in countries such as the US, the UK, Saudi Arabia, the United Arab Emirates, Kuwait and Singapore.

Cathy Ann, a 35-year-old Filipino nurse who has been working in the Kingdom for the last five years and before that in Singapore, said she does not feel homesick abroad because “I am surrounded by my compatriots everywhere.” Ann thinks that early training allows Filipinos to excel in nursing and other vocations. She started learning this profession at the age of four as her aunt, a nurse, used to take her to hospital and ask her to watch the work. “She used to kiss me whenever I learned a new thing. At the age of 11, I could do a lot. I began doing things like measuring my grandfather’s blood pressure and giving my mother her insulin injections,” she said.

This type of early education system is lacking in the Kingdom. Many of our children reach the university stage without learning anything except boredom.

The Philippines, which you can barely see on the map, is a very effective country thanks to its people. It has the ability to influence the entire world economy.

We should pay respect to Filipino workers, not only by employing them but also by learning from their valuable experiences.

We should learn and educate our children on how to operate and maintain ships and oil tankers, as well as planning and nursing and how to achieve perfection in our work. This is a must so that we do not become like Muhammad Al-Maghrabi who lost his interest and appetite when Filipino workers left his flower shop.

We have to remember that we are very much dependent on the Filipinos around us. We could die a slow death if they chose to leave us.

Source: http://www.arabnews.com/?page=13§ion=0&article=110923&d=16&m=6&y=2008

----------------------------------------------------------------

nung una ko to nabasa natuwa ako para kasing something to be proud of dahil sa demand ng filipinos abroad. talaga naman maipapagmalaki ang galing ng mga pilipino working abroad pero kalaunan na-realize ko, "hanggang kelan natin balak manilbihan sa ibang bansa?" hindi ba mas maganda manilbihan sa sariling bayan o masyadong idealistic?

Nauubos na ang mga magagaling na manggagawa sa pilipinas dahil lahat sila nag-aalisan na. paano pa magiging competent ang bansa natin kung wala sila dito? yung prof ko nga na magaling magturo ng math pupunta na ng Louisiana, nanghihinayang ako sa kanya kahit badet siya... hehehe! lahat na lang tao gusto na lang magtrabaho sa abroad.

ngayon:


IMAGINE PHILIPPINES WITHOUT FILIPINOS

Sunday, June 15, 2008

adik sa araw ng mga tatay

nagcelebrate kami ng father's day dahil minsan lang naman matsambahan na kasama namin ang tatay namin dito sa pilipinas dahil nagttrabaho siya ngayon sa kingdom of saudi arabia para kami ay buhayin. at dahil adik 'ton nanay ko, kelangan daw me picture ang daddy ko ng xxx burger ng b.c. dahil wala daw nun sa saudi... wala naman talaga... :D

at iyan ang picture ng tatay ko kasama ang nanay ko na in character, talaga naman! ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana. hahahaha!

adik talaga mga magulang ko, minsan nga hindi ko maisip na magulang ko talaga sila. wala rin sa katinuan minsan eh... hahaha!Ü

mga putang inang commuters!

sana ikaw na babasa nito ay hindi tulad ng mga taong kinaiinisan ko kapag ako ay sumasakay ng jeep.

kinaiinisan ko ang mga taong insensitive at tamad sa jeep, mga putang ina kayo!!! (sensya na naiinis lang talaga ako at ayaw ko i-censor) ayaw ko kapag yung mga panahong kaunti lang ang mga tao sa jeep (2-5 tao lang sa jeep) tapos ako pa ang nakapwesto medyo malapit sa gitna at ang kabila upuan ay walang tao tapos me biglang papara tapos uupo sa pinakadulo mula sa driver. tapos magbabayad at iaabot sa akin!

eh putang ina ka! pareho lang tayo na malayo sa driver at parehong hindi abot, ako pa uutusan mo mag-abot ng pamasahe mo! akala mo naman masaya magpa slide ng pwet sa upuan ng jeep, hindi mo ba natutunan ang word na "friction"! bwiset talaga kahit babae ka, ang tamad-tamad mong gago ka!

sa susunod na mangyari 'to hindi ko na iaabot ang bayad nila! hai... ang sarap maglabas ng kabwisitan sa mga insensitive na tao sa loob ng jeep. ^_^ dahil malamang na mararanasan ko pa 'to ng mas madalas dahil hanggang 11am lang madalas ang klase ko, kaya madalas na konti lang ang taong makakasabay ko sa jeep.

Thursday, June 12, 2008

Court rejects TRO petition vs CHED's new nursing curriculum

Philippine Star - Thursday, June 12, 2008

The Pasig City Regional Trial Court denied the petition of the Coordinating Council of Private Educational Associations (Cocopea) urging for a temporary restraining order against the revised nursing curriculum of the Commission on Higher Education (CHED).

Pasig City Regional Trial Court Branch 157 Judge Esperanza Fabon-Victorino denied the TRO application of Cocopea by pointing out the CHED has given a one-year notice to the concerned parties on the proposal to revise the nursing curriculum.

Victorino said the one-year notice by CHED is enough reason why a TRO is proper to suspend the implementation of the new curriculum.

In the absence of a TRO, CHED said they would immediately implement the new nursing curriculum.

Cocopea, a consortium of private educational firms in the country with more than 2,500 member schools, had sought to nullify the CHED memorandum circular raising the number of units required for a Bachelor of Science in Nursing degree from 193 to 212 that would take effect this school year.

The group, represented by chairman Fr. Roderick Salazar Jr., said they earlier sent a letter to CHED raising several issues over the new memorandum that, they pointed out, lacked the required public hearing before implementation.

Salazar said they should have been consulted first through a public hearing before the new circular was implemented.

CHED, however, denied Cocopea's allegations in saying they followed the procedures and complied with the requirements of the Technical Committee on Nursing Education (TCNE), a panel of experts in the field of nursing.

CHED legal service director Carmelita Yadao-Sison said the nursing program would still have a four-year curriculum, contrary to reports that Nursing would be a five-year course after the implementation of CMO no. 5.

Sison explained the added units were distributed through the four-year curriculum.

Despite Cocopea's objections, other groups that included the Philippine Nursing Association (PNA), Association of Deans of the Colleges of Nursing of the Philippines and Association of Private Hospitals in the Philippines, declared their strong support on the implementation of the new program.

"This new BSN program aims to produce a fully functioning nurse who is able to perform the competencies under each of the Key Areas of Responsibility as enumerated in ... the CMO no. 5," PNA president Leah Samaco-Paquiz said. - Rainier Allan Ronda/Philstar

Source: http://beta.ph.news.yahoo.com/star/20080612/tph-court-tro-ched-nursing-curriculum-541dfb4.html

--------------------------------------------------------------------------------------------

salamat nalinawan din ako tungkol sa issue na to, ang akala ko talaga magiging 5 years na ang nursing starting this academic year, buti naman 4 years pa rin kahit from 193 units ginawang 212 units na.

ok lang naman sa akin na magdagdag ng units basta wag na nilang dagdagan yung years para i-take yung course. dahil ayaw ko naman maging sobrang tanda pag nag med ako, baka hindi na ako makapag-asawa or baka ang tanda ko na masyado pag nagkaanak ako.

hooray! ^_^

Wednesday, June 11, 2008

Alin ba, Hunyo 12, 1898 o Hulyo 4, 1946 ang Araw ng Kalayaan?


ngayon ay ika-12 ng hunyo at dahil patriotic nga ako, me blog ako sa pagdiriwang ng ika-110 pagdiriwang ng kasarinlan ng ating bansa mula sa mga mananakop na espanyol. hindi yung limang pisong papel ang tatalakayin ko dito, gusto ko lang maiba ang picture kaya ko nilagay yan. hahaha!ang isyung bumabagabag sa akin ay dapat ba nating ipagdiwang ang araw ng kalayaan ng ating bansa sa ika-12 ng hunyo? hindi ba sinakop pa tayo ng mga amerikano pagkatapos iwagayway ni emilio aguinaldo ang watawat ng pilipinas sa kawit, cavite? dapat sigurong ibalik ang araw ng kalayaan ng pilipinas sa hulyo 4, 1946 kung saan naging ganap tayong malaya mula sa mga amerikano at mga hapones. kalokohang maituturing ang ginawa ng ama ng kasalukuyang pangulo ng pilipinas na ilipat ang philippine independence day mula sa hulyo 4, 1946 sa hunyo 12, 1898 na ang ginawang basehan lang ay ang unang pagwagayway ng watawat ng pilipinas. marahil naimpluwensyahan ng amerika ang desisyon ni macapagal na baguhin ang kasaysayan ng pilipinas upang palabasin na hindi kailanman dapat ituring na kaaway ang mga amerikano. hindi ko alam kung dapat ba talagang hunyo 12, 1898 ang kalayaan ng pilipinas, pero kung ako ang tatanungin mas nanaisin kong ibalik sa hulyo 4, 1946 dahil ano ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan ng pilipinas?


Tuesday, June 10, 2008

segundo día

pangalawang araw na ng pasukan. at ang ganda ng gising ko, ginawa akong alarm clock ni axle. naawa naman kasi ako, daig ang pusa sa pahabaan ng sleeping hours baka malate na naman siya ng 1 oras. hahaha ang lupet ma-late! XD

nagmamadali din ako kaninang umaga sa pagpasok dahil baka ma-late na naman ako. natuto na ako kaya hindi ko na uulitin kaya mas inagahan ko ng 15min! very significant.Ü at dahil sa magaling ako, muntik na naman akong ma-late buti na lang wala kaming prof dahil nagpalit daw ng subject! imbes na general biology gagawin na lang daw psychology. pero nung dismissal ko na lang nalaman ang balitang yun. hindi ko akalain na ganun pala kachismoso ang mga kaklase ko. hindi ako aware sa pagbabago ng subject.

sa awa ng Diyos ang boring pa rin ng araw ko.hanggang sa pumasok yung second subject teacher ko sa english. ayos naman siya, mukhang mapa-practice ang english namin sa kanya.

in fairness sa nursing ng plmar, kahit bulok ang facilities masasabi ko naman na highly competitive ang mga professors. yung nga lang hindi ata ganun ang kaso ng mga estudyante. hehehe :D

natapos ang english at dumating na ang sumunod na prof, sa college algebra with trigonometry. aba! badet ulit?!? oo bading siya! 2 out of 2 na male professors namin ang bading. mukhang masaya naman siya magturo kaya mukhang mag-eenjoy ako sa klase niya.

at ang finale... nag-aantay kami sa aming prof sa value education... dumating ang medyo batang lalaki at pumasok, maayos ang itsura mukhang mama's boy at mukhang boring magturo. hahaha! nagsimula na siya magpakilala at ng subject na ituturo niya. wala na daw kaming val ed at pinalitan na ng theoretical foundation of nursing. nung una masaya ako dahil wala ng val ed na ayaw ko.

nagsimula na siya magpakilala at nagset ng rules sa klase niya. unti-unting lumabas ang tunay na kulay. bading na naman?!? *tingtingting!* 3 out of 3! KO! (hindi naman ako against sa mga bading pero nakakagulat lang na walang straight na prof sa plmar?). medyo hindi ko gusto ang pagtuturo niya dahil parang teacher ng highschool, kung anu-anong request sa buhay. kesyo galing daw siya ng ceu kung san nagtuturo kung paano maging prim and proper, ayaw niya ng me lalabas sa klase niya pag nagtuturo na siya (huwat? college na kaya kami, g@g*! hahaha! naiinis talaga ako sa kanya kanina), gusto niya me quiz notebook, ayaw niya ng filler na notebook at ang gusto niya ay notebook talaga para sa mga notes (pakealamero pa sa gamit amp*t@!) at masaya pa nagpapatayo siya pag hindi nakasagot at ang daming assignment agad ang binigay sa first day, walang pakundangan! at yung test daw niya may essay at identification. napaka contradicting naman niya magturo sa kumpara chem prof namin dahil sabi ng chem prof namin na puro multiple choice lang ang test niya dahil yun ang gamit sa board exam para ma-practice kami.

ang dami niyang arte sa katawan! humanda siya sa akin pag naging doktor ako, wahahahaha! >:D <-evil hahaha

natapos na ang araw namin ng 11am, nagisuwian na kami nakita ko si rose ann (naging kaklase ko sa marisci, 3rd yr na siya T_T) kasabay ko sila jan (yung naging kaklase ko sa marist), yung kapatid niyang babae (galing ng st. scho at hindi ko maalala pangalan niya basta malana din.Ü) at si third (grad din ng marist, friend nila) na hindi maalala ang tawag sa bubble gum kaya natapakan ko dahil hindi niya nasigaw yung matatapakan ko ang naisip ay tae. hahaha comedy din eh :D

pag-uwi nanood ng nba finals, tsk talo ang boston sa lakers sa score na 81-87 kaya 2-1 na in favor pa rin sa boston, at pagkatapos nakatulog nang hindi naglulunch.

first day na naman?

ayun na nga, wala ng urungan. sa pamantasan ng lungsod ng marikina na nga ako mag-aaral ng nursing dahil sa ambisyon kong mag-med after (sana matuloy).

hindi ako nakatulog na maaga dahil wala pa talaga ako sa mood pumasok, hindi ko alam kung bakit. hindi lang ako masyadong excited or baka hindi pa nagsi-sink in sa akin na bago na ang mundo ko. 2 taon na akong hindi pumapasok ng 7am ng umaga kaya talagang nakakapanibago ang bago kong schedule sa buhay. relax lang ako habang nagpprepare at sa sobrang kakarelax hindi ko namalayan na malelate na pala ako sa first class ko. medyo nakakapanibago dahil hindi ako sanay na pumapasok sa first day dahil madalas naman na walang ginagawa.

sumakay na ako sa tryk na pagkamahal-mahal, daig pa ang pamasahe sa jeep hanggang cubao mula sa sss village. ang tanga-tanga ko nga naman hindi ko na-realize na rush hour tuwing umaga (nasanay kasi ako, na ako lang ang nagrurush pag papasok sa ust. hahaha!). at sa wakas nakarating na ako sa plmar at dumeretso sa room pagkatapos ituro ni manong guard kung san ako pupunta (first time ko pumasok sa campus ng nursing, madalas kasi sa h. bautista lang ako nakakapunta).

pagdating ng classroom me prof na at me pinapasulat sa papel na info, at dahil nasanay na ako sa college life na walang pakealamanan basta pasok lang ng pasok sa room, dumeretso na ako sa bakanteng upuan at kumuha ng papel at agad ko nakita sa board kung anong dapat kong gawin. may late din na dumating at nag-antay sa labas ng pinto para magpaalam na papasok din siya klaseng iyon, at dahil iba na nga college, sinabihan siya na sa susunod wag na magpapaalam dahil nakakaistorbo ng klase. sa loob-loob ko, buti naman, pareho rin naman ng rules ng pagpasok sa classroom sa pinanggalingan ko.

**p*tang in* sa init pag-umaga dahil tutok yung araw sa classroom, kainis wala man lang blinds...

natapos ang first class, at sumunod at prof kong bading sa filipino. katext ko si axle nung mga panahong yun dahil nabuburyo na ako sa lugar ko. first impression ko sa bagong prof ay parang bading na mahalay sa mga estudyante. dun ako nagkamali, wala ngang censorship sa bibig niya pero kung maririnig mo ang mga philosophies niya sa buhay ay masasabi mong dapat irespeto ang taong to at tama lang ang mga pinagsasabi niya. madali mo naman masasabi kung me utak o wala ang isang tao kung papaano niya gamitin ang bibig niya.

natuwa ako masyado sa mga pinagsasabi niya lalo na ang tungkol sa yosi (ittry ko i-post yung tula niya tungkol dun para itayo ang dignidad ng mga taong nagyoyosi! pag nakakuha na ko ng copy)

dismissed na ang class pagdating ng 10am at me 3hour break pa ako para sa susunod na kalse sa h. bautista campus. kaya umuwi muna ako para umidlip, kumain, maghilamos at magpalit ng damit. medyo inagahan ko na ang pag-alis ko ng bahay para hindi na ako malate. kapag sinuswerte ka nga naman at nasakyan mong jeep ay kakarag-karag na at kelangan me kinakalikot maya't-maya sa loob ng hood para umandar. ang akala ko ay malelate na naman ako. medyo nagmamadali na ako sa paglalakad para hindi malate nang makita ako ni jan malana (naging kaklase ko sa marist na kaklase ko rin ngayon sa plmar, how nice! XD) kasama ang kapatid niya (na kaklase din namin) at tinawag ako para sabihin na walang laboratory.

ayun natulala ako for a while dahil effort ang pagpunta sa h. bautista ah! at nagkwentuhan sandali at inaalipusta yung mga kaklase naming hindi naniwala sa babala nila na wag na tumuloy dahil walang klase hanggang sa nagpasyahan na naming umuwi.

pagkauwi, natulog at eto abala sa multiply.

Monday, June 09, 2008

Kinder Alma Mater

napadaan ako sa aking alma mater nung kindergarten pa lang ako ang little child of jesus school, actually madalas ko siyang madaan pag naglalakad lang ako.

gusto ko lang i-blog ulit dahil me picture na! yehey! hahahaha! sa pagkakaalala ko hindi pa siya ganyan kakulay nung nag-aaral pa ako dyan na parang 14 years ago na.

maraming first time experience ako dyan sa preschool na yan, first time ko magkaroon ng service at iyon ay si mang sol na matanda na at napapanot na siya noong panahon na iyon at medyo may kasungitan at isang kapitbahay. isang taon lang ako nagpaservice sa kanya, para kasi siyang si uncle scrooge. hahaha! (ayun panot na ata lalo ngayon)

first time ko magkaroon ng terror teacher! oo terror teacher sa preschool! o siguro terror na siya para sa mga preschool pupils dahil nagpapatayo siya pag hindi nakasagot. siya nga pala si teacher joey, isang babae na hindi ko na maalala. malamang matanda na siya ngayon. hahaha! (hindi ko na alam kung nasaan siyaÜ)

first time ko rin magkaroon ng nadedong teacher dahil sa car accident. siya si teacher rose, alam ko maganda siya nung mga panahong iyon kaya lang maaga siyang kinuha ni Lord. namatay siya nung nasa marist na ako.

dito ako unang natuto na 'wag maingay pag me kausap sa phone ang ibang tao. nung minsan nasa loob kami ng bahay ng preschool biglang nag ring ang phone at pinatahimik kaming lahat, ang akala ko nun me pinagtataguan sila kaya kami pinatahimik (sorry naman, mas nauna pala akong natuto pala sa bahay na tumahimik pag me tumawag sa phone dahil baka yun yung mga pinagtataguan ng mga kapatid ko. hahahaha!)

dito rin ako natuto mag please pag may kailangan, kelangan "water please" na itinuro ko naman sa mas nakababata kong kapatid na hindi ko naman inapply, yung bunsong kapatid ko lang ang gumamit. hahahaha! (english kasi kaya ayaw tuloy gamitn, hahahaha!)

yun lang naalala ko nung kinder ako, hindi na kasi sariwa ang memories. tskÜ

new sched, new school

pasukan na bukas at hindi pa rin ako emotionally prepared pumasok sa bago kong school... ewan ko kung bakit, siguro dahil sa ka-bullshitan na naexperience ko nung entrance exam na walang maibigay na matinong dahilan...

putek ang bobo talaga niya pag naalala ko ang baboy tsina na yun, sana lang hindi siya sa campus ng nursing... tinatamad pa talaga ako pumasok bukas, parang ngayon pa lang nagsisimula ang masaya kong bakasyon! pero di bale 4 na taon lang ako magtitiis, yun eh kung hindi ipipilit ng p*tang in*ng ched yang binabalak nilang gagawing 5 years ang nursing... kalokohan sila, ayaw ko naman tumagal ng 12 years sa college gusto ko rin naman magkapamilya...

tentative pa yang schedule na yan dahil wala pa ang pe at nstp at pwede pa daw mabago depende sa mga problemang mago-occur...

kung na-credit lang yung mga na-take ko nang subjects, biology na lang sana ang subject ko... hahahaha! anyway, tiis-tiis na lang ng konti...

ayaw ko pa pumasok! pero sayang ang baon... XD

Monday, June 02, 2008

summer's ending soon (alok bati sa aking mga contactÜ)

malapit na ang pasukan at isa lang ang ibig sabihin noon... tapos na ang mga maliligayang araw kahit walang pera... hahahaha! naging saksi ang multiply na 'to sa kabatuhan ko sa pananatili dito sa bahay at walang magawa...

at syempre hindi lang naman ako ang nabore nitong summer, dahil madami ding tao ang nakausap ko dito sa multiply dahil sa boredom din... maraming gaguhan sa comment at madalas ay wala pang kinalaman sa dapat pag-commentan...

mamimiss ko ang ganitong gawain pagdating ng pasukan dahil busy na ang mga tao, bihira na lang makakapg-update ng multiply at mamimiss ko din yung asaran na parang text sa bilis magsipagreply sa comment kapag online pare-pareho...

bago pa man ang summer gusto ko magpasalamat sa mga taong nagbigay aliw sa akin sa pamamagitan ng multiply at iisa-isahin ko kayo... :D

para sa mga taong walang kwenta ka-comment pero lagi akong natatawa pag binabasa ang mga kalokohan namin pati na rin ang mga blog na punong-puno ng aral pero hindi mawawala ang kalokohan pa rin:

winchelle ochoa
erickson dizon
jason eric cruz
elisha grace tarroza


para sa mga minsan lang magparamdam pero hayop naman sa mga banat at talaga namang naaliw ako:

abigail clarice leceta
jamaica san pedro


para sa mga taong nagbibigay aliw sa akin kanilang mga entry sa kanilang blogs, reviews etc.:

cardel yu
melody kay carolino
vanessa april galang
erika torres
marianne dela cruz
janna marica navarro
mary ramillano
maridel isais
alvin patrick valentin
sheila marie fabito
matthew utitco
veronica jose
victor john del rosario
elisha dane bautista
abraham finney santos
charles macahilig
karen magtubo
samantha blanco
relaine llamado
mara castillo
sanse


para sa mga nakakaaliw na pictures, videos at music:

casey john paul cabugoy
emong and pia amurao
jen encar basmayor
hazel lizette panlilio
anna issabella cruz
kathleene khaye de leon
pearl natalie andrada
yuan larrazabal
justin lazaro
rhoj jaime


para sa mga mas madalas ko pa silang makita sa comment kesa sila ang gumagawa ng kabuluhang bagay sa multiply, pero natutuwa din naman ako sa mga pinaggagagawa nila... hahahaha!:

byron fill
camille estopace
jorkeno de leon
michael anthony morales
yen ruiz
josephine alma pablo
france pinlac
em torno


para sa kaibigang nagawang mag-message sa guestbook pero hindi niya pa nagagawang i-approve yung request ko na maging contact siya hanggang ngayon..:D:

catherine mae lorenzo


at para sira-ulong tao na humamon sa akin ng pustahan sa pamamagitan ng poll sa blog:

neil encarnacion


at sa mga taong hindi ko nabanggit... hindi naman kayo nagpaparamdam bakit ko kayo babanggitin? mga walang partisipasyon sa pag-unlad ng buhay! <-jaded ang walangya... hahaha! yung iba naman eh puro camwhoring... kaya nakakatamad iview... :p hehehe!

sa mga gusto umapila, huli na ang lahat dahil posted na ang blog na to... XD

'till next boring season mga tsong! ^_^