Monday, June 09, 2008

Kinder Alma Mater

napadaan ako sa aking alma mater nung kindergarten pa lang ako ang little child of jesus school, actually madalas ko siyang madaan pag naglalakad lang ako.

gusto ko lang i-blog ulit dahil me picture na! yehey! hahahaha! sa pagkakaalala ko hindi pa siya ganyan kakulay nung nag-aaral pa ako dyan na parang 14 years ago na.

maraming first time experience ako dyan sa preschool na yan, first time ko magkaroon ng service at iyon ay si mang sol na matanda na at napapanot na siya noong panahon na iyon at medyo may kasungitan at isang kapitbahay. isang taon lang ako nagpaservice sa kanya, para kasi siyang si uncle scrooge. hahaha! (ayun panot na ata lalo ngayon)

first time ko magkaroon ng terror teacher! oo terror teacher sa preschool! o siguro terror na siya para sa mga preschool pupils dahil nagpapatayo siya pag hindi nakasagot. siya nga pala si teacher joey, isang babae na hindi ko na maalala. malamang matanda na siya ngayon. hahaha! (hindi ko na alam kung nasaan siyaÜ)

first time ko rin magkaroon ng nadedong teacher dahil sa car accident. siya si teacher rose, alam ko maganda siya nung mga panahong iyon kaya lang maaga siyang kinuha ni Lord. namatay siya nung nasa marist na ako.

dito ako unang natuto na 'wag maingay pag me kausap sa phone ang ibang tao. nung minsan nasa loob kami ng bahay ng preschool biglang nag ring ang phone at pinatahimik kaming lahat, ang akala ko nun me pinagtataguan sila kaya kami pinatahimik (sorry naman, mas nauna pala akong natuto pala sa bahay na tumahimik pag me tumawag sa phone dahil baka yun yung mga pinagtataguan ng mga kapatid ko. hahahaha!)

dito rin ako natuto mag please pag may kailangan, kelangan "water please" na itinuro ko naman sa mas nakababata kong kapatid na hindi ko naman inapply, yung bunsong kapatid ko lang ang gumamit. hahahaha! (english kasi kaya ayaw tuloy gamitn, hahahaha!)

yun lang naalala ko nung kinder ako, hindi na kasi sariwa ang memories. tskÜ

No comments: