ayun na nga, wala ng urungan. sa pamantasan ng lungsod ng marikina na nga ako mag-aaral ng nursing dahil sa ambisyon kong mag-med after (sana matuloy).
hindi ako nakatulog na maaga dahil wala pa talaga ako sa mood pumasok, hindi ko alam kung bakit. hindi lang ako masyadong excited or baka hindi pa nagsi-sink in sa akin na bago na ang mundo ko. 2 taon na akong hindi pumapasok ng 7am ng umaga kaya talagang nakakapanibago ang bago kong schedule sa buhay. relax lang ako habang nagpprepare at sa sobrang kakarelax hindi ko namalayan na malelate na pala ako sa first class ko. medyo nakakapanibago dahil hindi ako sanay na pumapasok sa first day dahil madalas naman na walang ginagawa.
sumakay na ako sa tryk na pagkamahal-mahal, daig pa ang pamasahe sa jeep hanggang cubao mula sa sss village. ang tanga-tanga ko nga naman hindi ko na-realize na rush hour tuwing umaga (nasanay kasi ako, na ako lang ang nagrurush pag papasok sa ust. hahaha!). at sa wakas nakarating na ako sa plmar at dumeretso sa room pagkatapos ituro ni manong guard kung san ako pupunta (first time ko pumasok sa campus ng nursing, madalas kasi sa h. bautista lang ako nakakapunta).
pagdating ng classroom me prof na at me pinapasulat sa papel na info, at dahil nasanay na ako sa college life na walang pakealamanan basta pasok lang ng pasok sa room, dumeretso na ako sa bakanteng upuan at kumuha ng papel at agad ko nakita sa board kung anong dapat kong gawin. may late din na dumating at nag-antay sa labas ng pinto para magpaalam na papasok din siya klaseng iyon, at dahil iba na nga college, sinabihan siya na sa susunod wag na magpapaalam dahil nakakaistorbo ng klase. sa loob-loob ko, buti naman, pareho rin naman ng rules ng pagpasok sa classroom sa pinanggalingan ko.
**p*tang in* sa init pag-umaga dahil tutok yung araw sa classroom, kainis wala man lang blinds...
natapos ang first class, at sumunod at prof kong bading sa filipino. katext ko si axle nung mga panahong yun dahil nabuburyo na ako sa lugar ko. first impression ko sa bagong prof ay parang bading na mahalay sa mga estudyante. dun ako nagkamali, wala ngang censorship sa bibig niya pero kung maririnig mo ang mga philosophies niya sa buhay ay masasabi mong dapat irespeto ang taong to at tama lang ang mga pinagsasabi niya. madali mo naman masasabi kung me utak o wala ang isang tao kung papaano niya gamitin ang bibig niya.
natuwa ako masyado sa mga pinagsasabi niya lalo na ang tungkol sa yosi (ittry ko i-post yung tula niya tungkol dun para itayo ang dignidad ng mga taong nagyoyosi! pag nakakuha na ko ng copy)
dismissed na ang class pagdating ng 10am at me 3hour break pa ako para sa susunod na kalse sa h. bautista campus. kaya umuwi muna ako para umidlip, kumain, maghilamos at magpalit ng damit. medyo inagahan ko na ang pag-alis ko ng bahay para hindi na ako malate. kapag sinuswerte ka nga naman at nasakyan mong jeep ay kakarag-karag na at kelangan me kinakalikot maya't-maya sa loob ng hood para umandar. ang akala ko ay malelate na naman ako. medyo nagmamadali na ako sa paglalakad para hindi malate nang makita ako ni jan malana (naging kaklase ko sa marist na kaklase ko rin ngayon sa plmar, how nice! XD) kasama ang kapatid niya (na kaklase din namin) at tinawag ako para sabihin na walang laboratory.
ayun natulala ako for a while dahil effort ang pagpunta sa h. bautista ah! at nagkwentuhan sandali at inaalipusta yung mga kaklase naming hindi naniwala sa babala nila na wag na tumuloy dahil walang klase hanggang sa nagpasyahan na naming umuwi.
pagkauwi, natulog at eto abala sa multiply.

No comments:
Post a Comment