Thursday, July 31, 2008

UP sa pera


dahil nagcecelebrate ngayon ang up ngayong taon (2008) ng centennial anniversary nila, ang logo nila ay nasa P100 ng republika ng pilipinas at isa ako sa mga maswerteng nakatanggap ng ganitong perang papel...

nung una ko tong nakita, natuwa ako dahil malamang limited lang ang ganitong pera pero narealize ko din na hindi kaya contradicting sa oblation ang pera? ang oblation sinisimbolo ang kalayaan samantala ang pera ay umaalipin ng maraming tao sa buong mundo... alam kong hindi ito dapat maging simbolo ng pera pero ito ang katotohanan... sa tingin niyo?

**balak kong itago yung pera hanggang sa makakaya ko... in short hindi ko siya gagastusin hanggang me pera ako at hindi sagad ang kahirapan ko... ^_^
Money, Money, Money - At Vance - A Tribute to ABBA

Wednesday, July 30, 2008

HP 6 Tailer in HD

sa wakas totoo na yung trailer ng 6th installment ng harry potter ang half blood prince to be shown this coming november, di ba erick and winchelle? mga excited at dinamay pa ako... tsk... hehehehe :D

hindi ko pa nababasa yung book nito, pinag-iisipan ko kasi kung babasahin ko ba muna yung book bago ako manood or after na lang baka kasi ma-disappoint na naman ako sa movie manghinayang na naman ako sa panonood para at least pag after ng movie ko lang babasahin hindi ko na masyadong maiisip na sayang panonood ko kasi mabagal ako magbasa pag me pasok... hahahaha!!

**mas masaya manood ng trailer in HD mas kita mo yung details... ^_^



Online Videos by Veoh.com

Tuesday, July 29, 2008

nagkukula ako ng mukha

marmi na rin akong nasubukang facial wash, nadyan ang pond's antibac, acne prone, yung green, yung yellow at kung ano-ano pang variety ng pond's facial wash... nag st' ives din ako, tulad ng apricot scrub for normal skin, apricot scrub for acne prone at kung ano-ano din variation ng st. ives... minsan naman ay mga pipitsuging facial soap, andyan ang papaya, oat meal soap at ang placenta (na dumale sa mukha ko at pinarami ang sebum... tsk)



at ang pinaka huli ay pagkukula ng mukha ko! joke lang... pero gumagamit talaga ako ng bareta na panglaba ang panghilamos ng mukha ko ngayon... oo hindi ka nagkakamali ng binabasa, bareta na panglaba ang ginagamit kong sabon sa mukha ngayon... at ito ay ang perla...


**oha-oha! me model pa ako ng perla! salamat sa photofunia.com hehehe**

hindi siya katulad ng ibang baretang panlaba tulad ng tide na
parang compact powder laundry na magaspang at mainit... para lang siyang sabong pampaligo na konti lang ang bula ang smooth yung sabon parang oat meal soap...

siguro narinig mo na ang myth tungkol sa sabong panlaba na 'to at kung ano ang nagagawa nito at ito ay para hindi ka magka-pimple... sinubukan ko to dahil pinilit ako ng tatay ko, ilang araw ang lumipas na wala naman kakaibang tumutubo sa mukha ko ay pinagpatuloy ko ang paggamit... napansin ko na hindi na ako tinutubuan masyado ng pimples at wala rin masyadong sebum sa mukha kaya napagpasyahan kong ituloy-tuloy na...

nakaka ilang linggo na ako ng paggamit ng perla sa mukha at naging maayos naman ang balat ko, wala masyadong pimple at sebum... masasabi kong effective sa akin ang sabon na to... kaya lang naubusan ako nitong nakaraang araw at napilitang gumamit ng pond's na tira bago pa ako mag-perla... pansamantala ko lang ito gagamitin habang hindi pa ako nakakabili ulit ng perla (ang hirap kasi humanap... wala sa mga tulag ng watson's ehehehe) at dahil konti na lang siya, tinitipid ko ang paggamit nito dahil baka maubos bago pa ako makabili ng perla kaya lang ang kapalit naman eh pagtubo ng sebum sa mukha ko na ang pangit...

kaya ngayon balik na ako ulit sa perla... hindi ko to nirerecommend dahil iba-iba skin types ng tao... mamaya masisi pa ako... hehehehe :D

Sunday, July 27, 2008

alin ang naiba? 2 ~the pageant~




feeling beutiful -

sikat na siya talaga dahil me sequel na ang kanyang pagmamaganda... nagkaroon kami ng nursing pageant na related sa subject na theoretical foundations of nursing... lahat nag-prepare for the pageant kasi naman me grade na kapalit to kaya dapat medyo karirin at major din kasi ang tfn kaya hindi dapat binabalewala...

as usual lutang na naman siya dahil effortless ang pagrampa niya, parang gusto pa niyang sabihin na hindi ko kelangan mag-prepare dahil magaling at maganda na ako! so ayun nag-make-up lang siya (btw yung make-up ayaw rumehistro sa mukha niya... hahahahaha so parang wala din) at nagsuot ng sash at ayos! pwede nang rumampa!

feel na feel niya pa ang pagrampa, paano ba naman sa kanya me pinakamalakas na sigawan nung lumabas na siya... pang-asar din yung mga kaklase ko talagang gusto siya (orocans, hehehe), eh siya naman kala niya totoong gusto siya makita...

eh ayun, wala namang nagawa ang audience impact sa pagtaas ng grade niya dahil alam din naman ng prof namin ang class standing niya kaya medyo mukhang biased yung pagjujudge niya pero kung susuriing maiigi eh karapat-dapat naman talaga dahil hindi naman siya masyadong nag-prepare...

ang ending, syempre wala siyang award... next target niya ay tumakbo at manalong assistant pro sa health care society... good luck sa kanya kung me boboto sa kanya... wahahahahaha!!! kakasubmit niya lang ng certificate of candidacy... kala ko dati sa screening pa lang hindi na siya makakalusot dahil me maintaining grade ang pagiging officer, eh tinamad na ata ang mga opisyales kaya ayun pwede na siyang tumakbo -- walang hahabol sa kanya... hahahahaha!!! kung manalo man siya, next sem malamang tanggal din siya sa posisyon dahil talaga namang walang effort sa pag-aaral...

trivia: galing pala siyang victoria school, yung school malapit sa jollibee meralco... at pinagmamalaki niya na malaki ang baon niya... at ang masasabi ko lang ay: weh? in fairness hindi halata.

Friday, July 25, 2008

lupa level ang plmar sa june 2008 nursing licensure exam

kung last december (2007) eh pinagmamalaki ng school ko na naka 84% passing rate sila sa nursing licensure exam, ngayon kaya ay mapagmalaki pa rin nila ang 46% passing rate (june 2008)?

out of 44 na nagtake ng exam, 37 lang ang pumasa... kamusta naman yun? though hindi naman ako dapat maapektuhan dahil wala naman akong balak mag-take ng licensure exam pagka-graduate... dahil ito ang mga dahilan:
  1. sayang ang brain cells ko dahil kelangan ko pa mag-take ng national medical admission test.
  2. pagkatapos nun, entrance exams naman sa mga med schools.
  3. dahil baka pag pumasa ako sa prc nursing licensure exam ay pakuhain ako ng mga magulang ko ng nclex.
  4. at pag pumasa naman ako sa nclex ay pagtrabauhin na nila ako sa states.
  5. at ayaw kong maging ending ng trabaho ko ay isang migrant nurse.
pero ulit, kung magiging mababa ang performance ng mga estudyante ng school ko sa nursing board exam ay maaring maapektuhan din ang performance ko sa pag-take ng nmat at entrance exams sa med schools dahil iisang klaseng edukasyon lang naman ang natatanggap namin na gagamitin ko para makasagot sa mga exams na kukunin ko.

on the brighter side of my life, proud naman ako sa dating school ko (ust) na sa kanila galing ang top notcher sa nursing board ngayon kahit na 2nd lang sila sa class A dahil 98% lang sila compared sa 99% ng tua at uerm. go uste! nasa baba ang top 3 schools ng class A & B:

Republic of the Philippines
PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION
Manila
The top performing schools in the June 2008 Nurse Licensure Examination are the
following:

A. WITH 100 AND MORE EXAMINEES
RANK, SCHOOL, TOTAL NO. OF EXAM., TOTAL NO. PASSED, PERCENTAGE PASSED


1

TRINITY UNIVERSITY OF ASIA (TRINITY-Q.C.)
339-338-99.00 %

UNIVERSITY OF THE EAST RAMON MAGSAYSAY MEM. MEDICAL CTR.
271-269-99.00 %


2

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
466-458-98.00 %

SAINT LOUIS UNIVERSITY
418-409-98.00 %

CEBU NORMAL UNIVERSITY (CEBU STATE COLLEGE)
203-199-98.00 %

CHINESE GENERAL HOSPITAL COLLEGE OF NURSING & LIBERAL ARTS
176-173-98.00 %

WEST VISAYAS STATE UNIVERSITYLA PAZ
169-166-98.00 %

SAINT PAUL UNIVERSITY – DUMAGUETE
129-126-98.00 %


3

DE LA SALLE UNIVERSITY –
DASMARIÑAS HEALTH SCIENCE CAMPUS
309-296-96.00 %


NOTHING FOLLOWS----------------------


B. WITH 30-99 EXAMINEES
RANK, SCHOOL, TOTAL NO. OF EXAM., TOTAL NO. PASSED, PERCENTAGE PASSED


1

SAINT PAUL UNIVERSITY – ILOILO
86-86-100.00 %

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES - MANILA
73-73-100.00 %

UNIVERSITY OF SAN JOSE - RECOLETOS
46-46-100.00 %

P.C.U.–MARY JOHNSTON COLLEGE OF NURSING
36-36-100.00 %


2 

MINDANAO
STATE UNIVERSITY – MARAWI CITY
90-87-97.00 %


3

SAINT PAUL UNIVERSITY - MANILA
80-76-95.00 %

NOTHING FOLLOWS----------------------

source: http://nursingtrivia.blogspot.com/

Saturday, July 19, 2008

grammar error sa plmar



find all the errors in grammar in this school announcement.

napansin ko to sa may gate nung pauwi na kami after ng pe class namin sa plmar h. bautista campus.
nakakahiyang puri dahil ganyan yung grammar sa school na pinapasukan ko... oh well kung sino man me gawa niyan, pumapangit ang image ng school na siyang dapat nagtuturo ng tamang english grammar... ok lang sana kung hindi school ang plmar eh...

mukhang walang nakapansin nang announcement na to dahil walang prof na nag-abala na baguhin ito lalong-lalo na yung mga english professors...

ipapaalam ko to bukas sa english prof namin para masaya... :D

Thursday, July 17, 2008

alin ang naiba?



Silvertoes - Parokya ni Edgar


siguro naman alam mo na kung ano ang tinutukoy ko... pero para na rin sa karapatan niya ay hindi ko na siya ipipin point sa picture at hindi ko na rin siya papangalanan dahil hindi na mahalaga yun... kung kaklase o kaibigan ka namin ay malamang maiintindihan mo ang mga pinagsasabi ko...

first of all hindi ko naman siya gagawan ng blog kung mabait siya... maganda lang ikwento ito sa blog para me entertainment at magkaroon naman siya ng magandang purpose sa mundo... hehehe...

me background music pa talaga for more enjoyable reading experience... oha!

anyway nakaaway niya lang naman kanina ang majority ng class dahil sa ganda ng ugali niya... ang labo niya kasing tao, ang mga seryosong bagay ay biro lang sa kanya at ang mga biro ay ginagawa niyang seryoso at big deal... in short wala siyang makasundo dahil sa ugali niyang baligtad dahil siya lang ang ganun...

pahabol effect pa sa mga kaibigan na magaganda dahil sineryoso niya minsan ang isang biro, kala mo naman ang daming friends na naghahabol sa kanya dahil sa kanyang perfection...

nakakairita din ang pagiging maingay niya dahil madalas non-sense lang pinagsasabi niya, makapagsalita lang... isa siyang empty can...

at ang pinakamaganda sa kanya ay akala niya ata ay nasa katawan siya ni aphrodite o venus na lahat ng lalaking madaanan niya ay namamangha sa kanyang taglay ng kagandahan... hindi ko to sinasabi ayon sa observations lang, dahil may patunay na nagfeefeeling diwata to na habulin siya ng mga lalaki... dahil nagawa na niya i-kompronta ang isang kaklase namin na lalaki (me itsura naman at madalas mapag-tripan ng bakla naming prof) na kung me gusto daw ba sa kanya... (maraming witness, nagsimula lang ang lahat sa paglilink sa kanilang dalawa na sineryoso na naman niya...)

ang dami-dami pa niyang pinagmamalaking naging boyfriend, meron sa text, merong 9months, merong 9years (eh 16 or 17 pa lang kaya siya, pinagtyagaan siya?)...

yung isang kaibigan namin binibiro siya na liligiwan, at ang hitad naman ay feel na feel at siniseryoso ang sinasabi ng kaibigan namin, me mga pahaplos sa mukha effect pa sa kaibigan namin na talaga naman nakakapanindig balahibo...

sa tinagal ko sa mundong ibabaw, hindi ko aakalain na may mga ganitong tao pala talaga na tinutukoy sa kantang silvertoes...

MATALINO, MAGANDA, HINDI ASSUMING at MABAIT san ka pa?

Saturday, July 12, 2008

parent's consent

ngayon ay july 13, 2008 (sunday) supposedly me nstp (lts) ako ngayon sa industrial valley complex para sa film viewing... maaga akong nagising para mag-prepare sana kaya lang nag-open muna ako ng computer habang nag-aantay ng text sa aking mga kaklase sa lts...

medyo na-hook na ako sa aking pagi-internet dahil ang dami ng laman ng mail ko ngayon at hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos magbasa ng laman... nagtext si anna (kaklase ko) na hindi siya pupunta dahil tinatamad daw siya at dahil isa akong conformist, eh naisipan na rin na wag na rin kaya akong pumasok...

nang narinig ko ang nanay ko na sinabi "7 o' clock na ah!", at nasabi ko lang ay "hindi na ako papasok, tinatamad ako kasi film viewing lang eh tsaka yung isang kaklase ko hindi din papasok..." at sumagot ulit ang nanay ko "aabsent ka ngayon?", at hindi ko na maalala yung sagot ko...

basta ang ending ay walang argument sa pag-absent ko, buti na lang madaling kausap ang nanay ko... me pagka-konsintidor... ^_^

Saturday, July 05, 2008

payag ka bang tawaging "coño"?

kung ako ang sasabihan ng coño ng isang tao, aba mag-ingat-ingat siya at baka masaktan ko siya. hindi ako papayag na basta tawagin na lang akong coño ng taong hindi naman nauunawan ang original meaning ng salita. fourth year high school pa ako ng malaman ko ng hindi maganda ang totoong meaning ng coño, iyon ay ayon sa aking nanay at kapatid, dalawang taon din ang pinalipas ko para i-search yung real meaning nung word dahil madalas kong nakakalimutan na i-search.

karaniwang ginagamit ang coño dito sa pilipinas para sa mga taong mayayaman, magagaling mag-english at sosyal ang dating. pero ayon sa aking source sa: http://en.wikipedia.org/wiki/Englog nalinawan ako sa totoong meaning at kung bakit iba na ang kahulugan sa paggamit ng salitang ito.

at ito ang history:

"The origin of the term "Konyo" or "coño" to refer to the affluent members of Philippine society draws from an earlier (19th century) usage of the word coño to refer to Peninsular Spanish expatriates
living in colonies such as the Philippines and Latin America. This, in turn, was a result of the ultra-excessive use of the word ¡Coño! (originally "cunt") as a general, all-purpose swear word and expletive on the part of Peninsular Spaniards beginning sometime in the 1800s and continuing today. Many Latin Americans and educated Filipinos of the late 1800s, while they spoke Spanish, did not always use the same oral expressions as native Spaniards. Aside from not using seseo (therefore pronouncing the z and c in ce, ci as the voiceless dental fricative [θ], instead as [s]), the over-used coño expression set the expatriate Non-Andalusian Spaniards apart from the native-born locals. Coño thus became a term that certain Latin Americans (as well as Filipinos of the late 1800s) used for Spaniards which was in analogous fashion to how New Zealanders and Australians continue to refer to the British (especially the English) as "Pomises".

The usage of coño as the favorite expletive for expatriate Spaniards therefore gave them the label. As these expatriate Spaniards, referred to colloquially as coños, were at the top of society in the Philippines and generally held the highest prestige, the term coño later on found itself being used on the broader insular Spanish and mestizo caste who may not necessarily have been of Spanish descent (some were of French, German, Lebanese, etc. backgrounds).

As time went by, the label's usage broadened further to include most members of the Philippine upper classes, regardless of their ethnic background. Today, rich people who are seen to have a very affluent standard of living and betray overtly Western mannerisms, even if they are of Chinese mestizo or ethnic Filipino descent are sometimes referred to as being coño, most particularly if they speak Konyo English.

The word coño often requires a certain Eurocentric orientation, since the richest members of Philippine Society — namely, the ethnic Chinese Taipan class—do not even qualify for the label due to their non-European orientation. That the word coño originally meant "cunt" and later meant "Spaniard" has surely gone a long way to becoming a word associated with a certain Euro-centric sector of the upper crust of Philippine society shows just how far a word's meaning can change.

ngayon, papayag ka pa rin bang tawaging coño?