Tuesday, July 29, 2008

nagkukula ako ng mukha

marmi na rin akong nasubukang facial wash, nadyan ang pond's antibac, acne prone, yung green, yung yellow at kung ano-ano pang variety ng pond's facial wash... nag st' ives din ako, tulad ng apricot scrub for normal skin, apricot scrub for acne prone at kung ano-ano din variation ng st. ives... minsan naman ay mga pipitsuging facial soap, andyan ang papaya, oat meal soap at ang placenta (na dumale sa mukha ko at pinarami ang sebum... tsk)



at ang pinaka huli ay pagkukula ng mukha ko! joke lang... pero gumagamit talaga ako ng bareta na panglaba ang panghilamos ng mukha ko ngayon... oo hindi ka nagkakamali ng binabasa, bareta na panglaba ang ginagamit kong sabon sa mukha ngayon... at ito ay ang perla...


**oha-oha! me model pa ako ng perla! salamat sa photofunia.com hehehe**

hindi siya katulad ng ibang baretang panlaba tulad ng tide na
parang compact powder laundry na magaspang at mainit... para lang siyang sabong pampaligo na konti lang ang bula ang smooth yung sabon parang oat meal soap...

siguro narinig mo na ang myth tungkol sa sabong panlaba na 'to at kung ano ang nagagawa nito at ito ay para hindi ka magka-pimple... sinubukan ko to dahil pinilit ako ng tatay ko, ilang araw ang lumipas na wala naman kakaibang tumutubo sa mukha ko ay pinagpatuloy ko ang paggamit... napansin ko na hindi na ako tinutubuan masyado ng pimples at wala rin masyadong sebum sa mukha kaya napagpasyahan kong ituloy-tuloy na...

nakaka ilang linggo na ako ng paggamit ng perla sa mukha at naging maayos naman ang balat ko, wala masyadong pimple at sebum... masasabi kong effective sa akin ang sabon na to... kaya lang naubusan ako nitong nakaraang araw at napilitang gumamit ng pond's na tira bago pa ako mag-perla... pansamantala ko lang ito gagamitin habang hindi pa ako nakakabili ulit ng perla (ang hirap kasi humanap... wala sa mga tulag ng watson's ehehehe) at dahil konti na lang siya, tinitipid ko ang paggamit nito dahil baka maubos bago pa ako makabili ng perla kaya lang ang kapalit naman eh pagtubo ng sebum sa mukha ko na ang pangit...

kaya ngayon balik na ako ulit sa perla... hindi ko to nirerecommend dahil iba-iba skin types ng tao... mamaya masisi pa ako... hehehehe :D

No comments: