Thursday, July 17, 2008

alin ang naiba?



Silvertoes - Parokya ni Edgar


siguro naman alam mo na kung ano ang tinutukoy ko... pero para na rin sa karapatan niya ay hindi ko na siya ipipin point sa picture at hindi ko na rin siya papangalanan dahil hindi na mahalaga yun... kung kaklase o kaibigan ka namin ay malamang maiintindihan mo ang mga pinagsasabi ko...

first of all hindi ko naman siya gagawan ng blog kung mabait siya... maganda lang ikwento ito sa blog para me entertainment at magkaroon naman siya ng magandang purpose sa mundo... hehehe...

me background music pa talaga for more enjoyable reading experience... oha!

anyway nakaaway niya lang naman kanina ang majority ng class dahil sa ganda ng ugali niya... ang labo niya kasing tao, ang mga seryosong bagay ay biro lang sa kanya at ang mga biro ay ginagawa niyang seryoso at big deal... in short wala siyang makasundo dahil sa ugali niyang baligtad dahil siya lang ang ganun...

pahabol effect pa sa mga kaibigan na magaganda dahil sineryoso niya minsan ang isang biro, kala mo naman ang daming friends na naghahabol sa kanya dahil sa kanyang perfection...

nakakairita din ang pagiging maingay niya dahil madalas non-sense lang pinagsasabi niya, makapagsalita lang... isa siyang empty can...

at ang pinakamaganda sa kanya ay akala niya ata ay nasa katawan siya ni aphrodite o venus na lahat ng lalaking madaanan niya ay namamangha sa kanyang taglay ng kagandahan... hindi ko to sinasabi ayon sa observations lang, dahil may patunay na nagfeefeeling diwata to na habulin siya ng mga lalaki... dahil nagawa na niya i-kompronta ang isang kaklase namin na lalaki (me itsura naman at madalas mapag-tripan ng bakla naming prof) na kung me gusto daw ba sa kanya... (maraming witness, nagsimula lang ang lahat sa paglilink sa kanilang dalawa na sineryoso na naman niya...)

ang dami-dami pa niyang pinagmamalaking naging boyfriend, meron sa text, merong 9months, merong 9years (eh 16 or 17 pa lang kaya siya, pinagtyagaan siya?)...

yung isang kaibigan namin binibiro siya na liligiwan, at ang hitad naman ay feel na feel at siniseryoso ang sinasabi ng kaibigan namin, me mga pahaplos sa mukha effect pa sa kaibigan namin na talaga naman nakakapanindig balahibo...

sa tinagal ko sa mundong ibabaw, hindi ko aakalain na may mga ganitong tao pala talaga na tinutukoy sa kantang silvertoes...

MATALINO, MAGANDA, HINDI ASSUMING at MABAIT san ka pa?

No comments: