dahil nagcecelebrate ngayon ang up ngayong taon (2008) ng centennial anniversary nila, ang logo nila ay nasa P100 ng republika ng pilipinas at isa ako sa mga maswerteng nakatanggap ng ganitong perang papel...
nung una ko tong nakita, natuwa ako dahil malamang limited lang ang ganitong pera pero narealize ko din na hindi kaya contradicting sa oblation ang pera? ang oblation sinisimbolo ang kalayaan samantala ang pera ay umaalipin ng maraming tao sa buong mundo... alam kong hindi ito dapat maging simbolo ng pera pero ito ang katotohanan... sa tingin niyo?
**balak kong itago yung pera hanggang sa makakaya ko... in short hindi ko siya gagastusin hanggang me pera ako at hindi sagad ang kahirapan ko... ^_^


No comments:
Post a Comment