Friday, August 22, 2008

shades na mukhang tanga


ito ang shutter shades na kasalukuyang nauuso... uso? oo, uso na daw yan... mabibili sa halagang +P150-...

ewan ko lang, pero sa akin kasi mukhang ka namang tanga pag nagsuot ka niyan... para ano? para uso? para maiba? para cool? para japorms? eh ano naman ba talaga ang purpose ng shades na yan? para hindi ka masilaw? pasok din naman ang liwanag ng araw pag suot yan at guhit-guhit pa makikita mo, madadapa ka pa dahil dyan...


mukha ka kayang building na me sun breaker tulad nito (yung guhit-guhit sa may bintana)... o sa sun breaker talaga inspired ang shades na to? walang sense ang pagsuot nito di ba?

matatanggap ko pa kung gagamitin to sa mga fashion shows and modeling, dahil outrageous naman talaga suot nila minsan at hindi nagagamit sa totoong buhay... pero kung lalabas ka lang para pumorma at yan suot mo... errr... bahala ka sa buhay mo, wag ka magpapakita sa akin dahil tatawanan kita! hahahahahaha!!! :D

fashionista - jimmy james

No comments: